|
|
| Director Joyce Bernal: "Yung gusto ko, hindi masyadong masa."![]() Author: Rose Garcia Ginanap ang presscon ng launching film ng comedienne na si Eugene Domingo, ang Kimmy Dora, kahapon, August 13, sa Docelatte restaurant sa Quezon Avenue. Pero kapansin-pansin na wala sa presscon ang dalawang leading men ni Uge (palayaw ni Eugene) na sina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo. Sa pakikpag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa direktor ng Kimmy Dora na si Joyce Bernal kinahapunan, ipinaliwanag niya kung bakit hindi nakarating sa ipinatawag na presscon. "Actually, itong day na ito is really for Stairway [To Heaven] na workshop. So, series ito, e. So, nakikisingit lang talaga kami. Dapat, one hour the most lang din sana si Dong sa presscon kanina. Tapos, si Zanjoe, makakasingit daw, one hour lang din. So, Zanjoe, Dingdong...nandoon sana, parehong one hour lang. Pero noong magkaka-delay-delay na kami, magkakasabit-sabitan na. Sabit sa taping, sa workshop. At kapag isinalang ko sila, kapag nabitin, mas pangit," saad ni Direk Joyce. "Actually, ako na rin ang nagdesisyon kanina. Hindi namin alam kung hindi kaya, huwag na lang. Kaya ngayong natapos na si Dingdong sa workshop ngayong araw na ito, nagawan naman ng paraan kahit magkaroon ng pocket interview naman sa kanya." Si Direk Joyce din ang magdidirek ng Stairway To Heaven, ang upcoming drama series ng GMA-7 na pagbibidahan ni Dingdong, kasama sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at TJ Trinidad. NO QUESTIONS ABOUT Karylle OR MARIAN. Nilinaw rin ni Direk Joyce ang lumabas sa text invites ng Kimmy Dora, na kung puwede raw ay wala na lang questions kay Dingdong about Karylle and Marian Rivera--ex-girlfriend at rumored girlfriend, respectively, ng aktor. Nagkaroon ng ibang impression ang mga nakatanggap ng naturang text message na, ayon kay Direk Joyce, naging iba lang ang interpretation sa pakiusap nila. "Ang unang gusto namin, si Dingdong kasi, kilala na siya," sabi ng direktor. "So, may sarili siyang issues, di ba? Ngayon, yung promo namin, yung marketing namin, si Uge, hindi kilala. Parang ayaw lang naming mag-beat around the bush lang. Parang sana ma-focus na lang muna kay Uge, sa Kimmy Dora. Kasi, hayan na naman... Kilala na naman siya as Uge, as Kimmy Dora, at hindi na lang siya kilala as Eugene Domingo. "So, kung puwede sana na yung sasabihin lang ni Dingdong, papunta lang kay Uge. Pero walang negative anything. Like with Marian, kung mapag-uusapan, baka nga makiki-ride pa ang movie sa success ni Marian, baka nga gumano'n pa. Wala naman..." EUGENE & DINGDONG. Kumusta naman sina Eugene at Dingdong sa Kimmy Dora? Si Uge bilang beterana na sa pagpapatawa at si Dingdong na bago-bago pa lang sumusubok sa pagko-comedy? "Silang dalawa, magaan na magaan," sagot ni Direk Joyce. "Si Dingdong, natatawa sa rehearsal. Si Uge naman, sa take natatawa! Ang pagdirek ng comedy, sa totoo lang, sine-set-up mo yun na kararating mo pa lang. Yung sine-set mo na ang mood. Ipi-fix mo na meron kang punchline. Timing, e. So, kung maaga, dapat yung mood mo, hanggang sa matapos." On Dingdong's part, aminado si Direk na medyo nangapa ang aktor noong una dahil bago ang pagpapatawa rito. "Ang goal namin kay Dong, bilang para lang pumantay kay Uge, siyempre kailangan namin siyang ibaba, papangitin ng konti. Sino maniniwala na magkakagusto... wala! Kahit si Uge siguro, huwag siyang maniwala for a moment. So, medyo pina-sloppy namin ng konti ang pananamit niya. "Pero madaling naka-adjust si Dingdong. Si Uge kasi, kahit noong sa [Ang Babaeng Hinugot Sa Aking] Tadyang namin, hindi kasi ipinakita yung mga bloopers dun kung paano sayawan ni Uge si Dingdong para akitin. Saka si Uge, siya yung, 'Siya na, Direk, siya na!'" lahad niya. Kung may maiga-guarantee man daw si Direk Joyce, definitely, mas marami pa raw mapapanood ang mga tao sa kabuuan ng pelikula kumpara sa trailer. "Marami kaming bala! Handa kami sa giyerang ito," confident niyang sabi. STAR CINEMA-SM CINEMAS ISSUE. Ngayon ay palabas sa mga sinehan ang bagong pelikula ng Star Cinema na And I Love You So, maliban sa SM Cinemas, dahil may isyu sa pagitan ng film arm ng ABS-CBN at ng higanteng theater circuit. Ang Kimmy Dora ay idi-distribute ng Star Cinema at may playdate na sa September 2. Ngayong may problema ang Star Cinema at ang SM Cinemas, matutuloy pa rin ba ang regular showing ng Kimmy Dora sa September 2? "Well, siyempre, ngayon pa lang sa amin yun, so medyo inaayos pa namin," sabi ni Direk Joyce. "Sa umpisa ay medyo Facebook muna tayo kung saan ipapalabas. Pero, inaayos pa namin. Pero sana, kung anumang issues meron sa Star Cinema at sa SM Theaters, sana hindi kami masama. Kasi, nagsisimula pa lang kami at wala pa naman kaming isyu kahit na kanino. Independent production naman kami, it's just that ang distributor talaga namin ay ang Star Cinema." Pero may impormasyong nakuha ang PEP na hindi na ang Star Cinema ang magdi-distribute ng Kimmy Dora kundi ang Solar Films na. KONTRA MASA. Nang huling makausap ng PEP si Direk Joyce sa shooting ng Kimmy Dora, aminado siyang nakakaramdam siya ng kaba bilang producer at direktor ng launching movie ni Uge. Ngayon ba ay nadagdagan o nabawasan ang kaba niya habang papalapit na ang showing ng pelikula nila? Source: Philippine Entertainment Portal |