Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Director Joyce Bernal reveals Kimmy Dora production cost  more than P20-M 

"Actually, sobra yung kaba. Ginagawa namin ang lahat ng paraan. Yung maibalik ko lang ang pera nila, mabubunutan na 'ko ng [tinik]... Kasi siyempre, 'Ang yabang mo naman, 20 million! Independent? Ang yabang n'yo naman! Bakit n'yo pa ipinadala sa Hong Kong

Author: Rose Garcia

Kagabi, August 27, ay ginanap ang press preview ng pelikulang Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme sa Shang Cineplex. Ito ang launching movie ni Eugene Domingo at first venture ng mga producers ng Spring Films, na binubuo nina Direk Joyce Bernal, Ericson Raymundo, Shayne Sarte, at Piolo Pascual.

Aside from being one of the producers, si Direk Joyce din ang direktor ng pelikula. Isa rin ang lady director sa pinaka-busy sa pagpo-promote ng pelikula. Ayon sa kanya, halos araw-araw na raw yata ay nagka-campus tour siya to promote Kimmy Dora.

Malaking bagay nga raw na naayos din nila days before the showing ang pag-distribute ng pelikula at ang problema sa SM Cinemas. Ang Solar Films na ang distributor ng Kimmy Dora at ang Star Cinema naman ang bahala sa marketing side. Higit sa lahat, maipapalabas ang Kimmy Dora sa lahat ng SM Cinemas starting September 2.

"Nakahinga rin...marami talagang problema," sambit ni Direk Joyce nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Isa yun sa malaki. Mabuti na lang may tumanggap pa sa amin. Maliit na lang yung time, e. Siguro, sobrang nakakatulong that it's produced by Piolo Pascual. Yung ganoon."

Ayon kay Direk Joyce, nasa P20 million o higit pa ang nagastos na nila sa pag-produce ng launching movie ni Uge. Tinanong ng PEP ang director-producer kung confident ba sila na mahihigitan ng kikitain ng pelikula ang pinuhunan nila.

"Actually, sobra yung kaba," sagot ni Direk Joyce. "Ginagawa namin ang lahat ng paraan. Yung maibalik ko lang ang pera nila, mabubunutan na 'ko ng [tinik]... Kasi siyempre, 'Ang yabang mo naman, 20 million! Independent? Ang yabang n'yo naman! Bakit n'yo pa ipinadala sa Hong Kong? Bakit may effects? Sana yung tubong-lugaw na lang ang ginawa n'yo.' But this is the film na lumabas, so mas takot kami."

Hindi nga naman maitatanggi na mas matindi ang pressure on her part being the director and the producer at the same time.

"Doble, tapos ang dami ko pang iniisip. Meron pang Stairway to Heaven, meron pang movie. Ang sakit na ng ulo ko!" natatawa niyang sabi.

May time pa ba siya sa anak niya?

"Umaga! Alas-sais ng umaga, gumigising ako. Gusto mo yun?" napapailing niyang sabi.

Since Kimmy Dora is Eugene's launching movie, nakikita naman daw ni Direk Joyce ang pagpupursigi nito na mai-promote nang husto ang movie. Sa parte naman ng leading man ng pelikula na si Dingdong Dantes, naiintindihan daw ng direktor kung hindi ito masyadong visible sa promotions.

Aniya, "Kung kulang man, hindi na namin yun dapat pagtuunan ng pansin. Actually, personal ko nang kinokontak si Dingdong. Si Dong kasi, kapag personal mo...isisingit ka niya. Pero yung schedules niya, bakulaw! Bakulaw talaga ang schedules niya.

"Like, 'Dong, ganito-ganito...' Then, 'Direk, nandito ako, out-of-town. After, kakaya pa?' Sisingit. Paunti-unti. Pero yung support ni Dingdong sa akin bilang artista, okey na 'ko dun. Yung ibibigay niya for the promotion, sobrang bonus. Mahirap din dahil siyempre, still, network war pa rin 'yan. Dingdong is GMA artist, so mahirap, mahirap... Akala mo ideal. Akala mo, pero hindi rin."

Tinanong namin si Direk Joyce kung sa susunod ba nilang pelikula ay mas magko-concentrate na lang sila sa pagkuha ng mga artistang strictly taga-isang network lang?

"Hindi...hindi maganda, e. Ganito pa rin. Kasi yun ang unang intensiyon ng Spring Films--to work with people na puwedeng mapagsama both networks," sagot niya.

Source: Philippine Entertainment Portal