|
|
| Direk Cathy binato ng tissue ng madir ni SarahAuthor: Ogie Diaz Kainis. Kung kelan nakaalis na kami sa presscon ng You Changed My Life, saka pa may tumawag para itsika sa amin ang isang pangyayari sa set ng John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movie. Hindi tuloy namin naitanong ang isyung ito. Ang tsika: Meron daw isang eksena kung saan kinukunan ang supposedly ay kissing scene nina John Lloyd at Sarah. Ito 'yung unti-unting maglalapat ang kanilang mga labi. "Pero alam mo ba nu'ng hindi pa nagka-cut si Direk Cathy habang slow motion na maglalapat na ang mga labi ng dalawa, si Mommy Divine ba naman, binato ng kinuyumos na tissue si Direk Cathy? "Nagrereklamo. Ba't daw hindi pa nagka-cut si Direk. " So, nagalit si Mommy Divine? "In fairness, naka-smile naman si Mommy nu'ng nambato siya ng tissue. Tipikal na nanay na protective lang sa anak. Kahit nga si Direk Cathy, natawa na lang sa inasal ni Mommy Divine, eh. "Pero sa set, mas type nilang ang kasama ni Sarah ang tatay niya kesa sa madir, dahil kilala naman ng lahat kung gaano kaalaga ni Mommy Divine ang anak niya, 'di ba?" Sa amin naman, feeling namin, hindi rin mararating ni Sarah ang narating at tinatamasa ngayon kung hindi siya inalagaan ng nanay niya, 'di ba? Na-curious tuloy kami kung ano'ng bahagi ng movie 'yung tinutukoy sa pambabato ng tissue ni Mommy Divine kay Direk Cathy. At na-curious kami kung 'yun bang ibinatong tissue, eh, may kasamang bonggang-bonggang sipon? Joke! * * * Sa naturang presscon pa rin, usap-usapan kung sino ang tatanghaling grand winner sa Pinoy Fear Factor. Parang ang lahat ng reporter, ang nakuha nilang "leakage" ay si Janna ang wagi ng P2 million, plus bahay at kotse. Hmp! Kayo ba, eh, may idea kung sino'ng nagwagi talaga? Siguro, mas magandang panoorin na lang sa Biyernes ang finale ng Pinoy Fear Factor para buong-buo pa rin ang suspense, 'di ba? * * * Ang kinaiinggitang si Tita Fanny Serrano ay lalong lumalago ang friendship at ang kanyang mga proyektong hindi lang siya ang nakikinabang, kundi ang mas nakararaming salon owners at hairdressers. Tuloy na tuloy sa SMX Convention Center (sa Mall of Asia) Feb. 26-28 ang kanyang Cosmetologie '09, a one-stop event for beauty, Wellness & Trends. Sey ni Tita Fanny, "The expo is a place where we can test various products — from haircare, nailcare, cosmetics, fashion, gym equipment, massagers, aromatherapy. It will be the biggest trade show of its kind in the Philippines!" Ang naturang event ay co-organized by the Philippine Internation Cosmetologists Association (PICA) kung saan si Tita Fanny ang presidente at Premier Events Plus Group, Inc. "Maganda 'to, kapatid. One of the trade show's goals is to educate. So, expect to meet and learn from the greatest stylists and renowned trainers in the industry. " Industry icons like Tita Fanny will talk about professional make-up techniques, Tony & Guy's Cherry Reyes will talk about the latest hair colors, cuts and styles, among many others. Kasama rin dito ang aming long-time friend from RJ Salon na sina Rodel Bautista at Jun Laguardia, kaya isang matinong event ito, promise. Source: People's Tonight |