Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Direk Dante, disappointed sa desisyon ng FAP

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

'Katuwa ang isang talent manager dahil inakalang kotse ng GF ng alaga ang naka-park sa harap ng bahay ng actor.

Nagalit agad ang talent manager sa talent at akala'y pinapunta na naman ang nobya.

Nagalit din ito sa GF ng actor na kung tawagin ay "ang babaing 'yan. "

Na-high-blood na ang talent manager nang malamang hindi ang non-showbiz GF ng talent niyang actor ang bisita nito kundi isang kaibigan na kapareho lang ang kotse ng GF nito.

Natawa na lang daw ang manager sa kanyang premature reaction.

* * *

Mga pelikula ni Direk Dante Mendoza ang unang ipi-feature ng PLDT myDSL Watchpad sa myFlicks, pero ipinauna na ni Direk na ang version na aprubado ng MTRCB for commercial exhibition ang mapapanood ng PLDT myDSL subscribers.

This month na available ang Watchpad, log on to www. pldtwatchpad. com for details. Mapapanood din dito ang CNN, CN, Animax, GMA-7, MTV, PBO, CNBC, National Geographic, Biological Channel, History Channel at marami pang iba.

Kung sa myFlicks, movies ang mapapanood, sa myView, latest tsika naman sa showbiz ang hatid nina Shirley Pizarro, Isah Red, Dolly Ann Carvajal at Ricky Lo.

Mayroon ding fashion tips from Isabel Oli, music featuring Jay Durias, Amber, Yosha and Marcus Davis, drifting lessons from Alex Perez at updates on the latest toys and collectibles by Gino dela Peña.

Sa interview kay Direk Dante, hiningan ito ng reaction sa pagkakapili sa Ded na si Lolo, entry ng bansa sa Best Foreign Language Film sa Oscars at heto ang sabi niya: "May konting disappointment na hindi napili ang Lola (dinirehe niya) dahil lahat naman kami umasa.

"Pero, decision ng FAP 'yon. They know their job well at 'yun ang panlasa nila, suportahan na lang. Hindi ko kilala ang mga pumili. Sana mapili rin in the future ang movies na ginagawa namin. "

Dagdag pa niya, umabot sa deadline ang Lola at nag-comply sila sa lahat ng requirements ng FAP at AMPAS ng Oscars.

* * *

May big heart palang talaga para sa mahihirap si Nonito Donaire Jr. , lalo na sa mga biktima ng bagyong Ondoy, dahil nabalitaan naming part ng gagamitin ng GMA Artist Center para sa 40 houses na donation nila sa mga biktima ni Ondoy ay ang P1 million na reward kay Nonito ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkakapanalo sa WBA Interim Superflyweight.

Tatawagin daw na GMAAC Village ang katatayuan ng 40 houses sa pakikipagtulungan kay Vice President Noli de Castro at First Gentleman Mike Arroyo. Bago pa dumating si Ondoy, na-conceptualize na ang project na ito at mas bibilis lang dahil sa nangyari.

Samantala, tuloy ang pakikipaglaban ni Nonito sa pitong natitirang contenders sa Celebrity Duets 3 at 'pag siya ang nanalo, may ipandaragdag siyang pondo para sa ido-donate na bahay ng GMAAC.

Ang misis niyang si Rachel ang makaka-duet ni Nonito bukas.

Makaka-duet ni Gina Alajar ang anak niyang si Ryan Eigemann, si Niccolo Cosme ay ang friend niyang si Ate Glow, si Jomari Yllana ay ang mentor niyang si Joey Marquez, si Joel Cruz ay ang endorser niyang si Lovi Poe, si Maxie Cinco ay si Philip Lazaro at si Akihiro Sato ay ang friend at kapuwa Brazilian na si Daiana Meneses.

* * *

Sa Ikaw Sana, ililihim ni Eliza (Jennylyn Mercado) sa lahat ang kanyang sakit dahil ayaw niyang mag-alala at mahirapan ang kanyang pamilya, lalo na si Michael (Mark Herras).

Mari-reveal sa viewers na pakana lang ni Sofia (Pauleen Luna) ang sakit na kanser ni Eliza kakuntsaba ang mga doctor. Iiwan ni Eliza si Michael at ang anak nilang si Niña habang natutulog ang mga ito.

* * *

Sa Stairway to Heaven, magtatrabaho sina Jenna (Rhian Ramos) at Badet (Karen delos Reyes) sa company ni Cholo (Dingdong Dantes) nang 'di alam ni Jenna na ang iniiwasang binata ang may-ari ng pinagtatrabahuan.

Gagawan ng paraan ni Cholo na mapalapit kay Jenna. May conference na pupuntahan sina Cholo at Eunice (Glaiza de Castro), pero hindi uli sisiputin ni Cholo ang fiancee dahil kay Jenna.

Source: People's Tonight