Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Direk Joey siniraan kay Sen. Jinggoy

Author: Nitz Miralles

Nasaktan at na-upset si Direk Joey Reyes sa nalamang sinisiraan siya ng dalawang batang directors kay Sen. Jinggoy Estrada.

Nangyari ito sa Roadrunner habang pinanonood ng senador ang trailer ng Magkaibigan, entry ng Maverick Films sa Metro Manila Film Festival na dinirehe ni Joey at nagkataong naru'n ang dalawang director.

Comment daw nang comment ang dalawang director sa pelikula at nag-comment pang sana ay ginamit ang picture ni Rudy Fernandez para may commercial appeal, eh, ayaw nga ni Direk at ni Jinggoy mismo na mag-capitalize ang movie sa namayapang actor.

Hindi pumapatol sa mga ganitong isyu si Direk, pero dahil sa inis, nakapag-comment na wala pang award ang dalawang director, pero kung makapanira, ganu'n na lang. Ang feeling pa ni Direk Joey, ginagamit siya dahil may inilalapit na project kay Jinggoy ang dalawang director. Pumayag si Direk Joey na masulat ito para makarating sa dalawa ang kanilang ginawa.

Hindi alam ng dalawa na may friends si Direk sa Roadrunner.

* * *

Malaking panghatak sa pelikulang Dayo sa Mundo ng Elementalia na si Lea Salonga ang kinuha ng Cutting Edge Productions na kumanta ng theme song na Lipad. Komposisyon nina Jesse Lasaten at Temi Abad Jr. , ang song, ni-record ni Lea with the FILharmoniKA and conducted by Gerard Salonga at ang Sony BMG ang magre-release ng OST.

Sabi ni Lea: "I am excited to be part of this movie and I'm glad to be singing the theme song. I think this movie deserves the Filipinos' full support. Filipino endeavor ito and hopefully, will inspire others to make the same well-produced movie.

Malaking pelikula ang Dayo, na tinatayang aabot sa P70 million ang budget. Sa Thailand ang mixing nito at ginamitan ng 2D at 3D animation.

Sabi ni Direk Robert Quilao, posible itong maipalabas sa Mexico, Argentina, Brazil, dahil may inquiry na at inimbita ring ipalabas sa Switzerland at Australia.

Dadalhin din ito sa Filipino communities abroad para makita ng ating kababayan na kaya na nating gumawa ng ganitong pelikula. Over 500 animators ang involved sa movie at 40-60 key animators.

Boses nina Nash Aguas at Katrina Legaspi as Bubuy and Ana manananggal ang maririnig. It also features the voices of Johnny Delgado, Michael V, Noel Trinidad, Laurice Guillen, Peque Gallaga, Gabe Mercado, Pokwang at Nova Villa.

Samantala, sa interview kay Lea, mukhang tuloy na ang paggawa niya ng pelikula next year sa Star Cinema with Aga Muhlach as leading man.

Ibang-iba sa Sana Maulit Muli ang movie at excited na si Lea to be working with Aga, na ang description niya ay "Hindi lang magandang lalaki, maganda rin ang loob. He's good in business, shrewd businessman, good in money, astute and he knows how to invest. He's genuinely a nice person. "

* * *

Isa ang MYMP sa mga rason kung bakit napuno ang Araneta Coliseum sa Back-to-Back-to-Back concert nila ng Freestyle at Side A bands last December 1.

Marami pa ring fans sina Juris Fernandez at Chin Alcantara.

Nagkataong hit song ng Side A ang latest single ng MYMP na Set You Free mula sa kanilang M. Y. M. P. Now! album.

Perfect break-up song ito at bagay sa uncouple na sina Iza Calzado at Jerry Garcia, Isabel Oli at Paolo Contis at Karylle at Dingdong Dantes.

Binago ang areglo at female angst ang maririnig. Ang music video nito ay dinirehe ni GB Sampedro, featuring Bodyshots Top 5 winner Andrian Rancho.

Other songs in the album are Human, Cherish, Make It Easy on Me, These Dreams, When She Cries at iba pang senti songs. Released ang album ng Ivory Records.

** *

Sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5?, bumalik ang fashionistang doctor na si Hayacharis Paquiz para sumubok na sagutin ang 10 questions na ibibigay ng host at Chairman of the Blackboard Janno Gibbs.

Puwedeng manalo ng P1 million si doc at ipinagmalaking mas pinaghandaan niya ang muling pagsali.

Susunod na maglalaro ang male nurse na si Benjamin Dygico at isinama pa nito ang misis at dalawang anak na parehong nasa elementary.

Magtagumpay kaya si Benjamin o umuwi ring luhaan at Kalabasa award ang dala?

* * *

Isa sa pinakamalaking twists sa Survivor Philipines ang Thursday episode, kung saan isang brand-new car ang reward sa Immunity Challenge na pinanalunan ni JC Tiuseco.

Napa-s—t si Rob Sy nang sabihin ni Paolo Bediones ang reward dahil kung alam niya, baka mas nag-effort itong manalo sa challenge.

Kaya lang, may curse raw ang nananalo ng car sa SP o ang tinatawag na 'Survivor Car Curse' at ang nananalo rito'y, natatanggal sa tribo.

Kagabi nalaman sa Tribal Council kung nangyari ito kay JC.

Sa December 12 na ang finals at malalaman na kung sino ang 1st Pinoy Sole Survivor. Sa bagong studio ng GMA-7 gagawin nang live ang finale.

Source: People's Tonight