|
|
| Direk Kaka, 'di matinong kausap -- BeckyAuthor: Vinia Vivar AKALA ni Valerie Concepcion at ng manager niyang si Becky Aguila ay naayos na ang lahat sa pagitan nila ni Manny Pacquiao, producer at bida ng Anak ng Kumander, at ng direktor ng pelikula na si Jose "Kaka" Balagtas. Maayos naman daw kasing humarap si Pacman sa meeting nila held at Rembrandt Hotel last week, at maging si Direk Kaka, na nakausap niya prior to the meeting, ay maayos din namang nakipag-usap at dininig ang mga concern ni Becky tungkol sa kissing scene na hindi naipaalam. Kaya, nagtataka ang manager ngayon kung bakit kung anu-ano na naman ang sinabi ni Direk Kaka sa presscon ng movie held recently. Kung hindi pala maganda ang mga comment nila, sana raw, right there and then, sinabi na sa kanya nang harap-harapan at hindi 'yung kung kailan hindi sila nakaharap ay saka magsasalita ng kung anu-ano. Lalo lang daw pinatunayan ng direktor na hindi talaga ito matinong kausap. Anyway, para kina Valerie at Becky, closed book na ang mga nangyari at ayaw na nilang sagutin pa ang mga bagong pahayag ni Kaka or maging ang mga sinabi ni Pacman. * * * NAPANIWALA tayo ng young actress sa kanyang press release na pinatigil na niya sa panliligaw ang young actor na na-link sa kanya before dahil mas priority niya ang trabaho. Pero ngayon lang unti-unting lumilitaw na boyfriend na pala niya ang young actor noon pa at lihim na lihim ang kanilang relasyon. "Hindi sila naglayo tulad ng sinasabi nilang dalawa. Sinabi lang nila 'yun para matahimik na ang mga tumututol sa kanilang relasyon, pero ang totoo, tuloy pa rin ang relasyon nila," kuwento ng aming source na malapit sa dalawa. Noon pa raw ay may tendency nang maging pasaway ang young actress, who is known for being so nice and masunurin. "Packaging lang niya ang pagiging mabait, pero may katigasan ang ulo niya sa totoong buhay," sabi pa ng aming source. Well, if true, dapat na sigurong matakot ang young actress dahil tulad nga ng kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag, haya't unti-unti na ngang lumilitaw ang kanyang mga sikreto. * * * KAKAIBA ang magaganap na Metro Manila Film Festival Awards Night sa January 5, 2008, dahil pagkatapos ng awarding ceremonies, susundan ito ng isang solo concert ni Lani Misalucha. Titled MMFF Awards Night with Lani Misalucha in Solo Concert, ang nasabing event ay gaganapin sa Function 5, 2nd level SMX Convention Center ng SM Mall of Asia. Ang awarding ceremonies ay idaraos mula 7:30 to 8:30 p. m. Interactive at fast-paced daw ang announcement ng nominees and winners, kaya naman one hour lamang ito. Ang concert naman ni Lani ay mapapanood ng 9-10:30 p. m. with guests Christian Bautista, Ronnie Liang and Gian Magdangal, directed by Rowell Santiago at musical director naman si Louie Ocampo. Ang nasabing awards night at concert ni Lani ay mapapanood naman the following day, January 6, sa IBC-13 at 9 p. m. Ang parada para sa mga pelikulang kasali sa MMFF ay gaganapin sa Dec. 24, simula sa SMX Mall of Asia 2 p. m. to Roxas Blvd. , T. M. Kalaw and ending at Quirino Grand Stand with a musical extravaganza. Sa gabi naman ng Dis. 24, ganap na 8 p. m. , mapapanood ang MMFF, The Primer sa Channel 9. Source: People's Tonight |