Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Direk Yam Laranas renowned Hollywood director na?

Author: Ambet Nabus
Column: Showbiz Extra

MEDYO hindi lang namin masyadong feel ang promo slant ng Patient X concer-ning Direk Yam Laramas dahil mismong ang stars nito ang nagsasabing renowned Hollywood film director si Direk.

Nakakaloka naman po 'ata ang medyo maling information na ito dahil kahit pa sabihin nating nakapagdirek siya (isang remake ng Pinoy movie na siya rin ang direktor) ng movie na na-release abroad and with foreign actors, ay hindi naman sapat para matawag siyang renowned o taga-Hollywood na siya?

We have nothing against him dahil in fairness ay impressive naman ang mga likhang obra niya especially itong Patient X, na turf niya ang genreng suspense-mystery-thriller.

Doon lang naman po tayo sa tamang promo and advertising kumbaga. Sabi nga ni Kuya Germs na may alagang kasama sa cast, magpasalamat nga tayo na may mga gaya ng GMA Films at outfit ni Richard Gutierrez na namumuhunan at nagbibigay-trabaho sa mga taga-industriya, pero siyempre hayaan naman nating magsalita nang tama ayon sa merito ng movie ang mga ganitong slants. Nakakaloka lang talaga dahil kahit ang mga legendary nating filmmakers tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal o 'yong may matatawag na Hollywood exposures tulad nina Tetchie Agbayani, Vic Silayan and the likes (hanggang kina Lea Salonga) ay hindi natin nilagyan ng ganyang label, eh si Direk Yam pa? Just an honest observation na dapat naman sana ay kinukorek ng mga concern.

* * *

GAYA na lang ng pagku-westyun ng hanay ng supporters ni Sarah Geronimo tungkol sa diamond award ni Nina.

Hindi po sila nag-sourgraping or what, pero they simply would want to raise their claim lalo na sa pamu-nuan ng Viva Records na siyang may hawak sa recording career ng batang superstar.

Ayon sa kanila, gusto nilang itanong kay Mr. Vic del Rosario kung bakit pitong (7) platinum awards lang ang ipinagkaloob nila sa debut album ni Sarah G. na Popstar: A Dream Come True, when in fact sold copies had already reached more than 210, 000 last year pa?"

Ayon pa sa e-mail ng suppor-ters ni Sarah: "Viva Records standard on giving platinum awards on al-bum is 30K and was not even adjusted to 20K enough reason for Sarah to be the first one to have been given the Diamond award since last year pa. Sa kaso kasi ni Nina noon ay ipinagkaloob sa kanya ang parangal base sa ten times platinum record na nagawa nito sa pamantayang 20k ang bawat pla-tinum, kaya't 'yong 200k copies na nagawa niya ay taob pa rin last year pa sa 210k na nabenta ng album ni Sarah.

"Can you please post this issue in your tabloid and let Mr. Vic del Rosario answers.

"Marami nang issue ang kinasasang-kutan ng kanilang company that includes TF of Sarah at unti-unti nang na-wawala ang tiwala sa mga nagma-manage kay Sarah," hirit pa ng naturang obserbasyon.

Well, may gusto bang sumagot?

* * *

ISANG Michael V show din ang papalit sa Bitoy's Funniest Video. Ito nga 'yong Bitoy's Showww Time.

Mas pinalaki nga lang ito at mas dinagdagan ng seg-ments kung saan pinagsama-sama na yata ang konsepto ng ibang reality and talent-skill show sa TV gaya ng Talentadong Pinoy, Pinoy's Got Talent, at iba pang mga video related concepts na bibigyan ng bonggang premyo.

"Panoorin na lang nila at tingnan kung ano ang si-nasabi nilang ginaya kanino at bakit?," ang simpleng hamon ng mahusay at maga-ling nitong host na si Mi-chael V na tiyak na magbi-bigay na naman ng kanyang utak at puso para sa bagong show.

At dahil papalitan na rin ang Hole in the Wall ng nag-babalik na Family Feud ni Richard Gomez.

Hindi rin isyu kay Mi-chael V kung mami-miss ba niya ang mga karakter na pinasikat niya o hindi.

"Ganyan din naman ka-mi nung may palitan ka-ming programa (Family Feud season 2 nga).

"Walang intriga o isyu sa ganun dahil sa game show naman, ang importante ay yung mga nabibigyan ng papremyo at mga taong natutulungan. Yung pag-take namin ng role na tumatatak sa isip ninyo, kumbaga bonus na lang yun.

"Mahalaga na napapa-saya kayo," paliwanag ni Michael V, ang host ng Bitoy's Showww Time simula ngayong Sabado, Oct. 17.

High-tech ang dating ng show dahil internet-based ito. As a host, Bitoy will act as a futuristic emperor in search for the best Pinoy talents and the newest international star.

Kasama ang loyal pakuwela niyang si Mang Enriquez, maghahanap sila ng mga talents at sasabak sa mga segments na Talbugan, Videokariran, Facemuk at Gaya Mo Yun?, with corres-ponding cash prizes.

Source: Taliba