Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Direktor sobrang daldal pakikipag-tsuktsakan sa young actress idinadaldal

Malapit na ang Mahal na Araw at dapat siguro, ipako sa krus ang director na ito na ipinagyabang sa mga kaibigan na naka-tsuktsakan niya ang isang new talent ng network kung saan siya nagta-trabaho.Totoo man o hindi ang itsinitika ni direk sa mga kaibig...

 

Direktor sobrang daldal pakikipag-tsuktsakan sa young actress idinadaldal

Column: About Showbiz
Author: Pilipino Star Ngayon

Malapit na ang Mahal na Araw at dapat siguro, ipako sa krus ang director na ito na ipinagyabang sa mga kaibigan na naka-tsuktsakan niya ang isang new talent ng network kung saan siya nagta-trabaho.

Totoo man o hindi ang itsinitika ni direk sa mga kaibigan, ang talent ang kawawa. Ngayong nag-leak na sa press ang tungkol dito, hindi malayong mapangalanan na ang newcomer na hangad lang siguro ay mas sumikat siya at mas dumami ang project. Kawawa si newcomer 'pag na-identify na't tiyak na hindi titigilan ng media.

Kuwento raw nang kuwento ang director tungkol sa latest conquest niya, not knowing na hindi lahat nang nakinig ay natutuwa sa kanya. Kapag naging present si newcomer sa mga show na hawak ni direk, kahit deserving siya, mag-iisip pa rin kami na may personal connection kung bakit nasama siya sa mga project ng director.

* * *

Sa interview kay Regine Velasquez last Sunday, bago ang SOP, inulit nitong may offer sa kanya ang ABS-CBN, pero hindi na raw umabot sa negotiation, kaya hindi pa napag-usapan ang talent fee.

But how true na nang mag-guest si Regine sa The Buzz, may dala siyang offer sheet at du'n nakalista ang mga show na guests siya at shows na gagawin sa Channel 2 kung natuloy ang kanyang paglipat.

Nakasulat daw sa offer sheet na maggi-guest siya sa Lobo at Pinoy Dream Academy, bibigyan ng TV specials, may self-titled musical show at bida sa Filipino version ng Betty La Fea.

Kung bakit hindi na niya ipinakita ang nasabing offer sheet, 'yun ang hindi namin batid at kung nasa kanya pa ito, malamang hindi na rin ipakita ni Regine (unless provoked) para tuluyan nang matahimik ang kontrobersiya dala ng aborted transfer niya sa Dos.     

* * *

Kasama si Patrick Garcia sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, pero hindi pa siya nagti-taping. Nag-request kaming timbrehan 'pag nag-taping na ang actor para makausap at mahingan ng comment sa nangyari sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Kahit hindi siya ang bida sa bagong teleserye ng GMA-7, may trabaho pa rin siya at malilibang.

Pareho na silang busy ni Jennylyn na umapir sa SOP last Sunday at wish ng kanyang fans, pati sa mga susunod na Linggo hangga't kaya niya. May special role rin siya sa Kaputol ng Isang Awit and for two months lalabas ang kanyang character.

Hindi sana gawan ng isyu na magkakasama uli sa SOP sina Jennylyn at Mark Herras at baka pagmulan ng intriga. Nagta-trabaho lang ang singer-actress for her baby and her family.

Incidentally, showing bukas (Wednesday) ang The Half-Blood Samurai nina Jennylyn at Jacky Woo.

Source: The Philippine Star