Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Direktor, umaming crush si Matthew

Author: Mercy Lejarde
Column: Tell & Tell

Mukhang uso ang palayuan ng presscon. Una, ang presscon ng pelikulang ITALY ay ginawa sa 7107 Island sa may Pier 6. Tapos, ang bonggacious na presscon ng Belo Medical Group for their newest endorser, Dingdong Dantes, ay ginawa sa NBC Tent ng The Fort.

Nito namang Lunes, ang Ocean Park sa may likod ng Quirino grandstand ang naging venue ng Dyosa presscon ni Anne Curtis.

Jusme, kung wala kang sasakyan, lalo't kapag umuulan, aaray ang bulsa mo sa taxi fare na may plus P10 na ngayon!

Kumbaga, bale P40 na, plugdown pa lang, kalokah!

Sa presscon ng Dyosa, tinanong namin si Anne how does it feel na binigyan siya ng ABS-CBN ng tatlong katauhan bilang Dyosa Cielo, Dyosa Tierra at Dyosa Agua with matching three leading men, sina Luis Manzano, Sam Milby at Zanjoe Marudo.

"Ah, sobrang grateful po ako na ipinagkatiwala sa akin 'yung project na 'to, kaya sobrang pinagbubutihan ko po 'yung trabaho ko sa Dyosa.

"More than anything, happy po, happy po ako na binigay sa akin ang title na Dyosa," proud na sagot ni Anne, pero nalimutan yatang sagutin kung triple rin ang TF niya dahil tatlo nga ang katauhan niya rito.

Si Direk Wenn Deramas nga pala ang director ng Dyosa.

Tinanong itech ng yours truly na kung sakaling nasa luxury cruise siya, tapos lumubog ang barko na tipong Titanic, sino kina Matthew Mendoza at Lloyd Samartino (huwag na sina Sam, Luis at Zanjoe kasi kay Anne na sila, 'noh!) ang gusto niyang sumagip sa kanya kung naging siokoy ang dalawa?

"Parang ang hirap niyan kasi nu'ng Grade 6 ako, crush ko si Lloyd. Siya ang kauna-unahan kong naging crush na Pinoy kasi si Superman 'yung first love ko, si Christopher Reeve.

"Si Matthew naman, 'ex' ko, so, parang ang hirap ng tanong mo, hahaha! Kung mga siokoy sila, ayoko, kasi mabaho, malansa! Pero kung talagang sila mismo, sorry, Lloyd, ha, siyempre si Matthew, hahaha! Open naman sa lahat na crush ko si Matthew, so, 'yon," prangkang sagot ni Wenn, na umani ng kantiyaw sa press pipol.

O, siya, humanda na kayong televiewers sa nag-iisang Dyosa, tsuk!

* * *

Kung gaano ka-bonggacious ang Belo Shape launching ni Dingdong Dantes sa NBC Tent, siya namang simple ng Slendance launch ni Valerie Concepcion.

Nakaisip si Valerie ng isang convenient pero masayang paraan ng dance workout para sa lahat na hindi na kailangan pang mag-over sa budget.

Ang Slendance ay isang easy-to-follow 30-minute workout na may kombinasyon ng aerobic exercise, coordination, endurance at mental workout.

Maaaring mabili ng Slendance sa kahit na anong record bar at sa Starry Starry Store, ABS-CBN's online store.

Mukhang hindi lang ang workout video ang nakakapagpaseksi ng wankatitat nitong si Valerie, kundi 'yung natsitsikang syota niyang basketball player, tsuk!

* * *

Nag-text si Deborah Sun. At last daw, nagbunga na ang kate-text ng eldest daughter niyang si Gelanie Salvador sa promo ng Kapamilya Deal or No Deal dahil tinawagan na ito for screening.

Sana nga ay makapaglaro itong si Gelanie sa KDOND. Noon pa ay pangarap na rin ni Deborah na maging studio player para makabalik daw siya ng New York at makapag-start ng new life after makulong sa Women's Correctional.

Kung marami ang nangangarap na makapaglaro sa KDOND, mas maraming nangangarap na maging winner ang fave scholar naming si Sen sa Pinoy Dream Academy Season 2 at sa Little Dreamer naman ay type naming manalo ang bibong bagets na si Angelo. 'Yon lang and thank you.

Source: People's Tonight