|
|
| Dok Belo binoykot ng celebrity endorsersAuthor: Raymund Vargas NATATAWA kami habang pinapanood ang Sa Pula. .. Sa Puti ng Eat Bulaga kamakailan dahil maging sa game portion na ito ay pinaglalaban ang dalawang mahigpit na magkakompetensyang beauty clinic nina Dr. Manny Calayan at Dr. Vicki Belo. Ang napuna lang namin sa naturang portion, pawang mga celebrity endorsers ni Doc Manny ang bumubuo ng Calayan Team samantalang tanging si Rhian Ramos ang artista sa Belo Team. Ang alam namin maraming celebrity endorsers si Belo kaya nga nagtataka kami kung bakit si Rhian lang ang naroroon. Naglaro tuloy ang malikot naming utak na may boykot na nangyari. Anyway ang nanalo sa Sa Pula. . Sa Puti ay ang team ni Calayan, kaya tiyak na nangiti si Doc Manny kung napanood niya ang naturang show dahil nanalo nga ang kanyang team. * * * MATAGUMPAY ang show ni Jed Madela nitong nakaraang Biyernes ng gabi (March 27) sa The Library na pag-aari ni Andrew de Real. Umapaw sa tao ang naturang venue kesehodang nakatapat pa nito ang free concerts sa may bandang Remedios at Robinson's Place Manila nang gabi ring iyon. Muli ay pinahanga ni Jed ang mga taong nanunood ng kanyang Jed Madela . .. Live! sa kanyang mga kantang piling-pili para sa gabing iyon. Hindi nga magkama-yaw ang mga kababaihan tuwing kakanta ang grand at gold medalist ng World Championship of Performing Arts dahil sa ganda at lupit ng boses niya. * * * PATULOY pa ring tuma-taas ang rating ng Totoy Bato dahil nagpapatuloy sa pagganda ang takbo ng kuwento nito at mas nagiging hitik sa aksyon ang bawat episodes. Sana ganito rin ang mangyari sa Babaeng Hinugot Sa Aking Tad-yang na hindi consistent ang rating at kadalasan pa nga ay tinatalo ng Tayong Dalawa ng Kapamilya na gumaganda rin ang takbo ng istorya . Hindi kaya dumating na rin sa punto na pinagsasawaan na ang tambalang Marian Rivera at Dingdong Dantes? Kasi nga kung dati-rati'y tutok ang mga anak ko sa teleserye ng dalawa ngayon ay umay na sila o di kaya'y di lang nila type ang kuwento ng Babaeng Hi-nugot Sa Tadyang. Siguro, dapat na ring bigyan ng GMA7 ng magkahiwalay na teleserye sina Marian at Dingdong dahil tatlong magkakasunod na teleserye na ang kanilang pinagsamahan bukod pa 'yong ginawa nilang pelikula. Nakapanghihinayang naman kung agad na pagsasa-waan ng televiewers ang dalawa at baka maapektuhan pa ang mga susu-nod nilang proyekto. Tama rin naman ang ginagawa ngayon ng GMA7 dahil panibagong love team ang kanilang hinuhubog sa tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal. Klik sa mga bagets ang dalawa. Source: Taliba |