Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dolphy, Vic Sotto nag-compare notes tungkol sa kanilang sex life

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Full-fledged recor-ding artist na rin si Gabby Concepcion ngayon.

Labas na ang kanyang self-titled album under Warner Music kung saan siya mismo ang pumili ng mga kantang hango sa dekada '80.

Isa sa mga ito ay ang revival ng kantang Come What May na ni-record pa nila ni Sharon Cuneta para sa pelikula nilang Dear Heart dati. This time si Nina ang ka-duet niya.

Unfortunately, hindi raw siya makakapanood ng Megathirty concert ni Sharon ngayong Biyernes sa Araneta Coliseum kasi may previous commitment daw siya.

Pero, masaya niyang ibinalita na may sarili si-yang two-night concert sa Music Museum sa Aug. 15 at 16 kung saan ang guests niya ay sina Pops Fernandez, Claudine Barretto at Ai Ai delas Alas.

May special show din siya sa Zirkoh Timog on Aug. 14 titled Faces, Voi-ces & Bodies kung saan kasama naman niya sina Toni Gonzaga, Valerie Concepcion, Baywalk Bodies, Lex Lopez at Joross Gamboa.

Definitely raw ay pupunta siya sa premiere night ng pelikulang For the First Time kung iimbitahin siya ng kanyang anak na si KC Concepcion.

Okey rin daw sa kanya kung pagtabihin pa sila ni Sharon sa seating arrangement sa theater.

"Wala naman akong iniiwasang tao. Lahat ay gusto kong makita. But I fully understand kung medyo hindi pa komportable si Sharon sa akin,"pahayag ni Gabby.

* * *

Marami sanang natu-tuhan si Marian Rivera kay Dolphy kung natuloy ito sa pelikulang Dobol Tro-bol.

Kuwento ni Vic Sotto, minsan daw, habang break ay natutulog si Dolphy nang biglang may mga lumapit na fans dito at ginising ang hari ng komedya para magpa-picture.

Nagpunas lang daw ng mga mata si Pidol at nakangiti na itong nagpa-picture with his fans.

"Naku, kung ako siguro 'yung ginising ng fans para magpa-picture, sinungitan ko na sila. Ibang klase talaga si Dolphy kaya hindi ako nagtataka kung bakit siya tumagal nang ganito sa industriya. Hindi ko yata kakayanin na umabot ng otsenta tulad ni-ya,"papu-ri ni Vic sa kanyang idol at co-star sa Do-bol Trobol.

Advise ni Tito Dolfs sa la-hat ng kasamahan niya sa industriya, dapat daw ay maru-nong kang makisama sa lahat.

Dapat daw ay laging nakatuntong ang mga paa sa lupa.

Pati ang mga kasama-han sa trabaho ay dapat pakitaan ng kabutihan pa-ra hindi ka nilalait ng mga ito kapag nakatalikod ka. Bagkus ay lagi pang ikaw ang gusto nilang makasa-ma sa mga proyekto sa ga-ling mong makisama.

On a lighter tone, aminado si Dolphy na madalang na raw ang sexlife ni-ya ngayon.

Kasi nga 80 years old na siya kaya hindi na siya ga-anong kalakasan.

Hirit naman ni Vic, very active pa rin ang sexlife ni-ya na ikinatawa ng lahat. Naku, ang suwerte naman ni Pia Guanino, komento pa ng iba. May cameo guestings pala sina Pia at ZsaZsa Padilla sa Dobol Trobol kaya masaya ito. * * *

Isa sa mga original na Dolphy's Angels si Carmi Martin, circa 1979.

Hanggang ngayon ay very active pa rin siya sa showbiz at kasama siya sa pelikulang Dobol Trobol bilang kapareha ni Dolphy. Ang mga kasamahang Dolphy's Angels ni Carmi na sina Liz Alindogan, Yeh-len Catral at Anna Marie ay puro hindi na active sa showbiz. Hindi nahihiyang sabihin ni Carmi na 45 years old na siya ngayon at 29 years na siya sa showbiz. And take note, na-maintain niya ang kanyang perfect figure na 35-25-35. At walang retoke o fake sa kan-yang katawan, ha!

Salamat daw sa Marie France at balingkinitin pa rin siya hanggang ngayon.

Wala raw siyang boyfriend sa ngayon at ewan daw niya kung magkaka-anak pa siya. Pero sabi ng kanyang doktor puwede pa naman daw siyang mag-karoon ng baby at her age.

Pagmamahal sa trabaho raw ang sikreto niya sa kanyang staying power sa showbiz. Kasama rin siya sa teleseryeng Kim Sam Soon ngayon ng GMA-7.

Source: Taliba