|
|
| Dolphy, binabalewala dahil buhay pa! Darna at Santino, bakbakan na!![]() Author: Alfie Lorenzo Tuwing may gayak ako sa afternoon o gabi ay nagtatanong ang apo kong si John-John: “'Lo, saan meeting mo?” At pag gusto niya ang pupuntahan ko, ang next question niya: “Ay 'Lo, puwede ba akong sumama?” Nakakatuwa ang batang ito na isip-matanda kasi he always ask my permission to play or go anywhere kesa parents niya. Parang alam niya na since birth I already took care of him hence he owes me his life kaya ako lang ang pinal na dapat niyang tanungin kung puwede o hinde. Kapag sinabi mo namang hinde, hindi 'yan magmamaktol kundi sasagot pa 'yan ng “okay lang” nood na lang daw siya ng cartoons o play sa PSP niya or Exbox. Nu'ng Lunes nga, he asked me the same question kung saan ang mee-ting ko. When I said pupuntahan ko si Santino (na may thank you party nga for the press sa 14th floor ng ELJ bldg.) at pagkatapos ay titingnan kong lumipad si “Darna” ay lumiwanag ang mga mata niya as if nagsindi: “Ha? Ay sama ako 'Lo! sama ako, pleaseeeee...” So hayun, matapos nga siyang makipaglaro at magpa-picture with Santino, kay “Darna” naman kami tumawid. Matatapos na ang stage presentation ng all-star cast ng “Darna” nu'ng umabot kami sa Studio 5 ng GMA 7. Sugod kaagad si John-John malapit sa stage para makita niyang nakasuot ng Darna si Marian Rivera. Pagkabihis naman ni Marian ay kaagad bumaba ng stage at nilapitan si John-John na kaagad namang yumakap sa kanya. Love talaga ni John-John si Marian dahil nagkakandapuyat siya dati sa kapapanood sa “Marimar”, “Dyesebel” at “Babaing Hinugot Sa Aking Tad-yang” ni Marian. Tandang-tanda ni John-John nu'ng magpunta sa bahay namin si Ma-rian nu'ng birthday month kong Enero, escorted by Dingdong Dantes to deli-ver us a birthday cake. And he kept his photo with Marian na kuha sa conference room namin in his wallet. Sa edad na 8 ay tila hindi na takot si John-John sa mga evil characters. Pa-libhasa mahilig ang apo ko sa horror films, kaya game siyang nagpa-picture with Iwa Moto kahit na may ahas sa ulo, sa babaeng tuod na si Francine Prieto (akala ko ba tsismis na buntis ito, bakit flat ang tummy?) at kay Mura na nagmumura talaga ang kapangitan! After makunan siya ng mga pictures, nagyaya na itong umuwi. “'Lo, antok na ako school pa ako bukas. Past my bedtime na,” aniya. May kokontra pa ba? Malakas pa kasi at buhay pa si Dolphy kaya balewala ang naging mahabang achievements na niya sa showbiz kaya hindi siya nagagawaran ng parangal bilang National Artist. Sigurado ako na kapag wala na sa paligid natin ang numero unong komedyante ng bansa ay saka magkakandarapa ang mga magbibigay sa kanya ng sari-saring parangal. Nagkakaubusan na yata ng mga gagawaran ng parangal kung kaya ngayon lang kinilala ang kontribusyon ng isang Manuel Conde na lumikha ng “Genghis Khan” na kinopya lang ni John Wayne at ang ating kopya ay kinuha lang sa Paris na nagtago ng orihinal nito. Kabilang pa sa mga natatandaan kong likhang sining ni Conde ay ang “Apat na Alas” at “Siete Infantes de Lara”. Na bawat likha ni Manuel Conde ay nagbibigay sa atin ng mga sikat na artista tulad ng hanggang ngayon ay nad'yan pang si Eddie Garcia. Magdadalagita pa lang ako nu'ng mapanood ko ang “Siete Infantes de Lara” and in the 70's ay naging PRO pa ako ng remake ng 7 Infantes de Lara. At 70 years old na ako ngayon, pero wala pa ring recognition kay Manuel Conde. Tama kaya ang mga iniupong namimili ng mga qualified sa National Artists Award o lahat eh idinadaan na lang sa pulitika? May isinulat sa column niya si Cristy Fermin tungkol sa sinabi ng kaibigan niyang professor: “Hindi ako nagmamalabis at nangunguna sa kapalaran, pero bakit nga ba ganu'n, habang buhay pa ang artist, hindi nila pinahahalagahan. Pero kapag patay na ang ar-atist, kapag tahimik na nakahimlay ay saka nila maiisip bigyan ng parangal sa likod ng kurtina ng posthumous award. Bakit hindi nila ibigay ang award habang buhay pa ang artist, habang kaya pa niyang magpasalamat at namnamin ang bunga ng kanyang pagsisikap? Bakit kung kelan wala na, saka pa nila ipinaaamoy ang mabangong bulaklak?” Kami naman ay hindi professor kundi isang nagmamarunong lang na ganyan din ang sinasabi na namin noon pa. Hayun nga ang malaking panghihina-yang ko sa dami ng mga bulaklak na itinambak sa burol ni Douglas Quijano na nagpataasan pa sa halaga ng bawat korona, pagandahan pa. Eh 'di mas lalo na sa burol ni Michael Jackson na puwede nang tabunan ang buong Amerika sa dami ng mga bulaklak na inialay sa namatay na, noh! Ang simple ko lang tanong nga na walang nakasagot ay: “Noong buhay ba si Douglas eh may nag-abot man lang sa kanya ng bouquet of flowers?” Not when you can no longer smell the flowers, noh! Kaya ako eh agree sa pagkapili kay Carlo J. Caparas bilang National Artist. Sa mga tutol at inggit, did you ever stop to consider kung sino kina Carlo J. at Mars Ravelo ang mas maraming na-accomplish bilang nobelista at illustrator? Kung alam lang ng publiko ang kahirapang pinagmulan ni Caparas tungo sa tagumpay na kinalalagyan niya ngayon -- everyone will agree with me that it was a sure climb to stardom like Manny Villar. Naging security guard si Carlo J. Caparas nu'ng makasama namin sa PSG publications ni Pablo S. Gomez hanggang sa maging editor ng mga komiks sa compound ng Atlas publications na pag-aari ng mga Roces sa Roces Ave. Q.C. at ng mga Guerrero sa Cubao. Mula sa munting kubo sa baybay-dagat ng Pasig hanggang sa mansion niya ngayon doon din, nagkaroon ng kalye na Carlo J. Caparas St. sa dating lugar ng mga biglang-liko. Surely, my idol Carlo J. Caparas more than deserves the award. And am I glad na nakamit niya ang parangal ngayong malakas pa rin siya kesa kalabaw at puwede niyang masimsim pa ang bunga ng kanyang paghihirap at pagsisikap. Tama si Carlo sa ipinahayag niya: “Manahimik na lang 'yung mga naiinggit at kailanman ay hindi mabibigyan ng katulad na parangal.” Kaya nananatiling magulo at walang pagkakaisa ang mga Filipino ay dahil sa walang katapusang disagreement sa mga taong who agree to disagree forever! Hayaan na lang ang mga pinagkakalooban ng awards o anumang parangal. Eh 'di magsikap din kayo, o magsipsip o bumili ng award ninyo para magkaroon din kayo. Stop bickering on those deserving. Wala bang natutuwa sa inyo na sa pamamagitan ng recognition ni Carlo J. Caparas eh buhay pa siya at siguradong mamumunga pa ang National Artist Award niya sa pamamagitan ng mga nobelang isusulat pa niya thereby making him more productive than ever? Mabuti na lang at matalinong nobelista si Carlo J. at hindi pa ulyanin ng mabigyan ng parangal kaya mas malaking karangalan pa ang magagawa niya in the years to come. Mabuti na lang at matalino nga si Carlo J. at hindi deterrent sa henyo niya ang pagtutol ng iba. After all, meron din namang hindi nagkagusto sa mga nobela niya at meron ding sobra naman ang paghanga sa mga likha niya, but that didn't stop from getting into where he is now! Congrats pare! Sobra ka pa sa naka-royal flush ha! Surely, it's a natural 9. Anong GPPP? Eh di Gawad Parangal Para sa Patay! Ngek! Hindi ko na matandaan kung ilang taon na yata ang paulit-ulit na taas-baba ng singil sa kuryente, taas-baba ng gasolina at diesel, taas-baba ng gamit sa pagluluto. Hindi namin maramdaman man lang ang sinasabing pagbaba ng singil. Pawang lip service lang yata. Never bumaba ang bayad namin sa kuryente ganoon pa rin kahit na sabihing bumaba na, patuloy pa nga sa pagtaas ang bayad namin as years go by. Pati na ang gasolina at diesel, ilang trips back and forth na kami sa Pampanga eh ganoon pa rin ang bayad namin sa karga naming diesel - patuloy pang tumataas. Kaya alam mong pang-porma lang yang taas-baba ng pasahe. Itigil na nga 'yan, noh! Kaplastikan lang 'yan! Palitan na lang ng higit na favorable news! Nakakaumay na kasi! Source: Abante |