|
|
| Dolphy, pasok sa 'May Bukas Pa'Author: Leo M. Bukas NAGKAROON ng thanksgiving party the other night ang ABS-CBN para sa seryeng May Bukas Pa na namamayagpag sa rating. Present sa affair ang mga stars ng show like Albert Martinez, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Maja Salvador, Rayver Cruz, Dominic Ochoa, Lito Pimentel, Desiree del Valle, Liza Lorena, David Chua, Ogie Diaz at marami pang iba. Pero siyempre, as expected, mas pinagkaguluhan ng press si Zaijian Jaranilla, a. k. a. Santino sa May Bukas Pa. Iba talaga ang karisma ng bata. Si Santino ang pinakasikat na batang aktor ngayon sa telebisyon. Pero sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Santino, tila hindi pa niya ito nararamdaman. Wish namin na hindi magbago ang kanyang ugali 'pag nalaman niyang sikat na siya. Samantala, sa mga darating na araw ay mapapanood na rin si Dolphy sa May Bukas Pa. Isang maha-lagang papel daw ang gagampanan ng Comedy King sa serye. * * * NAGKAROON ng inauguration kamakailan lang ang kompanyang Bluemedia Communications na may opisina sa Net One Center, Unit 503, 3rd Avenue, Fort Santiago, Taguig City. Ang kompanya ay pinamumunuan nina Aries Castillo (chairman), Rico Abarentos (CEO), Jojo Marasigan (sales director for Luzon) at ni Dada Santos (PR manager). Bluemedia Communications offers varied services like intellegent connectivity through the use of wired and wireless technology system. May expertise din ang kompanya in effeciently designing and implementing wireless network infrastructures suitable to the costumers needs that result in cost-effective investments. Source: People's Tonight |