Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Donna, type anakan ulit ni Direk Carlo J.

Author: Mercy Lejarde

Bago pa mag-start ang proper preskon ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na pagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes at magsisimula na bukas sa GMA-7, ay kaagad naming tinanong ang may obra nito na si Direk Carlo Caparas.

"Direk, si Donna Villa ba ang masasabi mong babaeng hinugot sa iyong tadyang?" tanong ni yours truly.

"Oo, siya talaga dahil ang tunay niyang pangalan ay Marian din. Marian Pantalihug," very proud na sagot nito.

Ay, kaya pala si Marian Rivera ang bidang babae sa ABHSAT na ginampanan dati sa pelikula noon ni Vivian Velez.

"Si Donna talaga ang inspirasyon ko kaya hinugot ko siya sa aking tadyang. Kaya balak ko pa ngang anakan siya ng marami, eh," pabirong sey pa ni Direk Carlo.

* * *

Nang papunta naman kami sa Wack Wack Golf Club sa Mandaluyong para saksihan ang naggagandahang candidates for Ms. Mandaluyong 2009 ay biglang nag-ring ang aming cellphone. Si Mommy Carol Santos ni Juday ang nasa kabilang linya.

"May nagsabi sa akin na sinulat mo raw ang petsa ng kasal nina Juday at Ryan kaya may tumawag sa akin na reporter at medyo nagtatampo kung bakit sa iyo ko raw binigay ang official date ng kasal," sabi nito sa kabilang linya ng CP.

"Oo, Mommy, sinulat ko, sa May 4, 2009 na naka-set ang wedding date ng dalawa. Pero hindi ko sinulat na ikaw ang source ko, ha. Sabi ko lang mula sa isang taong malapit sa puso ni Juday na tropa namin sa aming watering hole ng mga club pinduters," depensa ni yours truly.

"Ha. .ha. .ha! Langya ka, buweset, ha. .ha. .ha! Halika dito sa bahay may konting salo-salo at may birthday dito. " natatawang sey na lang nitech.

Pero sabi nga namin, pupunta kami sa Wack Wack Golf para sipat-sipatin kung sinex ang may K na wankatitat at face value para manalong Ms. Mandaluyong 2009 na isa sa mga projects ng First Lady ng Mandaluyong na si Mrs. Benhur Abalos.

"Gusto lang naming ipakita na hindi lang ang Mandaluyong City ang aming pinapaganda kundi marami din kaming naggagandahang dilag dito," esplika ni Mrs. Abalos.

Hindi lang ang candidate number 32 ang nakatawag ng aming pansin kundi pati ang isa sa 26K girls ng Kapamilya Deal Or No Deal ng ABS-CBN na si Maria Kristina "Tina" Layoc Garcia.

Hmmnnn. .. suportahan kaya nina Kris at KDOND Banker in terms of financial ang isa sa kanilang 26K girls?

* * *

Ngayong Linggo, (Feb. 1) ay may masayang handog ang Sharon para sa mga avid televiewers. Ito ay ang impersonator episode na ang guests ay sina Jon Santos bilang si Ate Vi, si Rene Boy Facunla bilang si Ate Glow at si Ador Racelis from the Library as Michelle Obamshell

with matching Roderick Paulate on the side bilang co-host ni Sharon.

Source: People's Tonight