Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dra. Vicki Belo naniniwalang nagkaroon ng affair sina Rufa Mae at Dr. Hayden Kho

Dra. Vicki Belo naniniwalang nagkaroon ng affair sina Rufa Mae at Dr. Hayden Kho

Author: Nitz Miralles

MABUTI at wala si Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central last Sunday, kung saan guest si Dra. Vicki Belo sa Gimme Mo! segment ni Mo Twister.

Sa tanong ni Mo kung feel ni Dra. Vicki ay nag-karoon ng affair sina Rufa Mae at ex niyang si Dr. Hayden Kho, positive ang sagot nito, more on "fling" daw ang nangyari.

Ano kaya ang naging reaction ni Rufa Mae kung live niyang narinig ang sagot ni Dr. Vicki, eh, nag-deny na siya tungkol dito?

Good thing din na hindi guest si Katrina Halili dahil baka napaiyak siya sa kinuwento ni Dra. Vicki na napanood niya ang video kung saan ini-interview siya ni Dr. Hayden at sinabi nitong "Girlfriend mo lang naman siya (si Dra. Vicki) at ako asawa mo. "

Sa follow-up question kung napatawad na niya si Katrina, ang sagot ni Dra. Vicki, lagi siyang nagpapatawad dahil Kristiyano siya, pero sobra siyang nasaktan at medyo upset pa rin siya dahil very close siya kay Katrina.

Naniniwala si Dra. Vicki sa second chance, pero bahala na raw si Lord na maghanap ng right guy for her.

Aliw ang patutsada ni Dra. Vicki kay Dr. Manny Calayan na mag-isip ng ibang gimik to promote his clinic at 'wag gayahin ang gimik ng Belo Medical.

May birong linya pa siyang something to the effect na kung gusto n'yong maging kamukha si Dingdong Dantes, then sa Belo kayo mag-go. Kung type n'yo naman si Boy Abunda, go kayo kay Calayan. 'Kaloka!

Ano kaya ang comment dito ng hosting partner ni Kris Aquino, na kamakailan lamang ay umaming may tampo siya kay Dra. Vicki kaya lumipat na sa Calayan?

Ang contestants sa Bb. Pilipinas ang sumalang sa Digital Don't Lie to Me at napansin kaya ni John Lapus ang napansin ng televiewers na karamihan sa kanila'y malaki ang eye bags?

Cute ang inamin ni Abby Cruz, GF ni Paolo Bediones, na pinapraktis siya ng TV host sa Q&A at dahil second time na niya ito, mas may edge siya sa ibang contestants.

Ang mga kasama at si Direk Mac Alejandre ng Totoy Bato ang kasama ni Pia Guanio sa Intriga Crossfire at nagtanong kay Robin Padilla.

Kinumpirma nitong in-offer kay Bebe Gandanghari ang maging co-director ng soap na 'di tinanggap dahil pumunta ito ng New York.

"Hindi niya tinanggihan, iba lang ang gusto niyang gawin. Nag-usap kami na 'di niya magagawa . Hindi ako nagtampo, 'di na uso 'yon," say ni Robin. Nadudulas si Robin dahil minsan, Rustom pa rin ang tawag niya kay Bebe at si Rommle Padilla nama'y nag-I love you pa sa kapatid.

Nabanggit din pala ni Robin na kinausap na niya si Nur Misuari para ang anak nitong binata ay manligaw sa anak niyang si Queenie.

* * *

TRUE kayang si JC de Vera ang napili sana ng GMA-7 na maging leading man ni Carla Abellana sa Rosalinda, pero bago pa man magkaroon ng isyu si Annabelle Rama kay Wilma Galvante, hindi na nito tinanggap ang project para sa actor?

Naghahanap ngayon ang management ng actor na babagay kay Carla, somebody na magkakaroon sila ng instant chemistry.

Kung walang makita ang management, hihintayin na lang nilang matapos ng isang contract male star nila ang bago nitong soap at ito ang ipapareha kay Carla.

Secret muna ang identity ng actor, basta magaling siya at matutuwa ang Kapuso fans kung matuloy siyang kapareha ni Carla sa Rosalinda.

* * *

SA Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, malalaman ng mga pulis na Proserfina ang tunay na pangalan ng suspect sa pagpatay kay Enrico at hindi Andrea.

Magsusumbong si Heleen (Angelu de Leon) kay Hera (Carmi Martin) na may criminal na tinutulungan si Homer (Dingdong Dantes) na lalo nitong ikagagalit.

Samantala, nagsismula nang maging close sina Aris (Prince Stefan) at Athena (Lovi Poe) at magiging kontrabida sa pagitan nila si Jason (Kevin Santos. )

* * *

NGAYONG gabi sa Luna Mystika, mapipilitang maiwan si Luna (Heart Evangelista) sa mansion ng mga Sagrado.

Malalaman na ni Celstina (Heart) na ina niya si Diana (Rita Avila). Susugod sina Joaquin (Dante Rivero) kina Simon (Ariel Rivera) para makuha si Celestina.

Katapusan na ni Libado (Aljur Abrenica), papatayin siya ng isa sa mga bad engkanto at malulungkot si Malou (Kris Bernal).

Magiging puno na rin si Dominic (Romnick Sarmenta).

Source: People's Tonight