Mar 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Dream ni Erik Santos, tinupad ni Sharon Cuneta!

Dream ni Erik Santos, tinupad ni Sharon Cuneta!

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

PANGARAP ng kaibigan kong si Erik Santos ang makasama sa stage ang anak-anakan kong si Sharon Cuneta noon pa man. Sabi nga ni Erik, parang malabong mangyari �yon, dahil ni sa isip ay hindi naman niya naisip na magiging singing champion siya.

Sabi nga ni Erik, kahit noong sumasali-sali siya sa mga singing contest sa school nila, ang mga kanta ni Sharon ang kinakanta niya. Paboritung-paborito nga niya ang kanta ni Sharon na Sana�y Wala Nang Wakas at Tubig at Langis.

Pero naging singing champion na nga si Erik, at tinarget talaga niya na makasama ang megastar sa isang concert. Feeling nga kasi niya, kulang ang pagiging singer niya kapag hindi niya naka-duet ang megastar.

Eh, naka-duet na ni Erik noon sina Ai Ai delas Alas, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Vina Morales at marami pang iba, pero hindi pa rin si Sharon.

But of course, hindi nawawalan ng pag-asa si Erik. Alam niya na darating ang time na �yon, na mapagbibigyan din ang wish niya.

At heto na nga, finally ay matutupad na ang dream ni Erik, ang makapag-perform na kasama si Sharon. At hindi pa dito sa Pilipinas magaganap ang pagsasamang �yon, ha, kundi sa Dubai pa.

Sa December 9 nga raw �yon mangyayari dahil si Erik ang special guest ni Sharon sa concert niya sa Dubai.

"I am overwhelmed. Parangap kong makasama si Ate Shawie. Sharon Cuneta is a living legend. Isa siyang inspirasyon sa akin," sabi ni Erik.

Tila nagtutuluy-tuloy na nga ang magandang suwerte kay Erik ngayong matatapos na ang 2005. Aba, matapos ang matagumpay niyang concert sa Marikina Riverbanks noong December 3, ang Pamaskong Pasasalamat, heto at sa Dubai naman siya hahataw with Sharon.

Siguro, dapat lang suwertehin si Erik dahil napakabait niyang tao, �noh!

Siyanga pala, para sa mga impormasyon tungkol kay Erik Santos, puwede kayong tumawag sa Backroom #435-3808/921-3121 or mag-email lang sa backroomtalents@ pldtdsl.net.

***

Isang malaking celebration ang magaganap sa Dec. 8 (Thursday) para sa pagdiriwang ng kapiyestahan ng role model ng buong Kristiyanismo, ang Immaculate Concepcion of The Blessed Virgin Mary. Entitled ang Pambansang Papuri sa 150 Taong Proklamasyon ni Immaculate Concepcion ay magsisimula sa ganap na 3:00 PM sa pamamagitan ng isang fluvial parade mula Luneta hanggang Cultural Center of the Philippines.

Aabot sa 20 boats ang kasama sa fluvial parade kasama ang napakaraming image. Pagdating ng 4:00 p.m., magkakaroon ng motorcade bilang parangal kay Mama Mary na napakaraming himala na ginawa sa ating lahat.

Sasamahan ang motorcade ng mas marami pang images. Mag-iikot mula CCP hanggang Raja Sulayman sa may Roxas Boulevard ang nasabing motorcade.

Pagdating ng Raja Sulayman ay magkakaroon ng prayers -- rosary kung saan malalaking personalidad ang�nakatakdang mag-participate. Ang nasabing okasyon ay celebration ng church, government, Christian communities at private sectors bilang pag-alaala kay Mama Mary na malaki ang nagagawa sa buhay nating lahat.

Inaanyayahan din ang lahat�ng may mga collection ng�iba�t ibang imahe ni Mama Mary na makiisa sa pagdiriwang na ito. Sa panahon na nalalapit na Kapaskuhan at maraming nagdaraanang krisis sa ating kapaligiran, napapanahon ang ganitong pagdiriwang para sa kapayapaan ng sambayanan at ispirituwal na pangangailangan ng bawat isa.

Source: Abante