Aug 22
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

Dream project ni Anne, ibinigay ng Dos

PAALIS si Anne Curtis next week patungong Europe para sa kanyang 10-day vacation, pero tinapos muna niya ang teaser shoot ng pinakabagong teleserye sa ABS-CBN, ang Dyosa. Sa Calatagan, Batangas, ginanap ang teaser shoot last Monday at kuwento ni Anne,...

 

Dream project ni Anne, ibinigay ng Dos

Author: Vinia Vivar

PAALIS si Anne Curtis next week patungong Europe para sa kanyang 10-day vacation, pero tinapos muna niya ang teaser shoot ng pinakabagong teleserye sa ABS-CBN, ang Dyosa.

Sa Calatagan, Batangas, ginanap ang teaser shoot last Monday at kuwento ni Anne, grabeng hirap ang naranasan niya but at the same time, super excited siya dahil sa ganda ng project.

Ito na raw yata ang pinaka-ultimate dream project for her dahil imagine, apat na characters ang kanyang gagampanan sa seryeng ididirehe ni Wenn Deramas.

Bilang goddess of the earth, sea and sky, she'll be playing four different characters. One is a human named Josa, a centaur (half-human, half-horse), an eagle and a mermaid.

Noon pa ay dream role na ni Anne ang gumanap na isang sirena to the point na napabalita pang lilipat siya ng GMA-7 para gampanan ang Dyesebel.

Pero hindi na kailangang lumipat ni Anne para gampanan ito dahil ibinigay naman ng ABS-CBN sa kanya ang dream role with matching bonus pa dahil hindi lang sirena ang gagampanan niya sa Dyosa.

Bilang isang kabayo, sirena at agila ay pawang kalahating-tao si Anne, kaya ang unang maiisip ay topless ba ang young actress dito?

Say niya, illusion lang lahat. Ilusyon na naka-topless, pero hindi naman. Bilang isang kabayo, may body paint daw ang kanyang top part.

Bilang isang sirena at agila naman ay may ilalagay na prosthetics to make it appear na wala siyang suot sa itaas.

"Kaya naloka ako sa teaser shoot, nakakapagod kasi 'yung tatlong characters na kinunan. So, super change talaga after ng isang character, ligo na naman, bura na naman. "

Isa pang bongga sa serye ay tatlo ang kanyang leading man �" sina Sam Milby, Luis Manzano at Zanjoe Marudo.

We guess na ang mga lalaking ito ay makakapareha niya each sa kanyang tatlong characters, pero ayaw pang sabihin ni Anne kung saan-saang karakter.

Sa Monday, aalis si Anne patungong Europe para magbakasyon at pagbalik niya, saka niya uumpisahan ang taping ng Dyosa. Bandang July naman daw ito ieere.

Regalo ni Anne sa kanyang sarili ang Europe vacation matapos ang sunud-sunod na trabaho for Maging Sino Ka Man and When Love Begins. Para na rin daw sa pagsisimula ng Dyosa, na-recharge na ulit siya.

Mag-isa lang siyang magta-travel at hindi kasama si Sam dahil may international show ito sa Australia at New York.

Samantala, next year pa mag-e-expire ang managerial contract ni Anne sa Viva Artists Agency (VAA), pero pumirma na uli ng another three years ang young actress kamakailan.

"Bale pang-13th year ko na 'yan sa Viva dahil naka-10 years na ako sa kanila," masayang kuwento ni Anne.

Happy daw siya sa pamamalakad na ginagawa ng VAA sa kanyang career, kaya naman kahit hindi pa expired ang kontrata, nag-extend na ulit siya for another three years.

* * *

SIGURADONG matutuwa ang mga tagahanga ng sikat na grupong Spandau Ballet ng dekada '80 dahil tutuparin ng Live Artists Production, Inc. at Steve O'Neal Productions ang hiling ng mga itong mag-perform sa bansa ang nasabing foreign group.

Pinamagatang Gold, Tony Hadley with Tony Hadley and John Keeble, ang concert ng Spandau Ballet ay gaganapin sa August 8 sa Clark Expo Pampanga at August 9 sa Araneta Coliseum.

Si Tony ay dating lead singer at si John ay dating drummer ng grupo. Aawitin nila ang mga sikat na kantang Gold, True, Highly Strung, Round and Round, Through the Barricades, Communications, Heaven is a Secret, Revenge for Love, To Cut a Long Story Short, With the Pride at marami pang iba.

Pagkatapos ma-disband ng grupo, nagsolo na si Tony at gumawa ng first album na The State of Play noong 1992 sa EMI at makalipas ang ilang taon, nagtayo ng sariling recording company.

Para sa mga gustong bumili ng tickets for the Araneta concert, available na po ito sa lahat ng SM Ticketnet outlets (911-5555) at Live Artists Production, Inc. (929-4568).

* * *

PAKI ng katotong Jobert Sucaldito: Kaarawan ni Congresswoman Mitch Cajayon ng 2nd District of Caloocan City at ipagdiriwang ito with a medical dental mission at concert for the Caloocan City Jail inmates.

The concert and medical dental outreach will be held within the Caloocan City Jail compound at pangungunahan nina Geneva Cruz, Luke Mejares, Aiza Seguerra, Richard Poon, atbp.

Magkakaroon ng medical at dental service sa mga inmate at mamimigay din ang kongresista ng wheelchairs, crutches, hearing aids at iba pang assistive devices for disabled persons.

Source: People's Tonight