|
|
| Driver, ayaw makipag-cooperate kay SamAuthor: Vinia Vivar Kahit sobrang na-damage ang van ni Sam Milby nang maaksidente siya kamakailan, nagpapasalamat naman daw ang aktor at ligtas siya. Madali nga namang palitan ang sasakyan, and what's important ay buhay siya. Sa ngayon ay pinag-iisipan pa ni Sam kung magpa-file ng charges sa driver na bumangga sa kanya. Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa ito nakikipag-cooperate sa kanya. Pero hindi naman daw ito gaanong importante dahil he still feels lucky na naligtasan niya ang aksidente. Okay na okay na si Sam and in fact ay ilang beses na siyang nakasama sa relief operations na isinasagawa ng ABS-CBN para sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy at Pepeng. Back to work na rin ang aktor na kasalukuyang napapanood sa Your Song Presents Someone to Love kasama si Bea Alonzo every Sunday pagkatapos ng ASAP 09. Kuwento nga ng staff, panay daw ang kulitan ng dalawa sa taping at halatang kumportable na sa isa't isa. "Naku, makulit 'yang dalawang 'yan. Tuwing break, madalas mag-asaran si Sam at si Bea sa mga naging bloopers nila sa mga eksena," kuwento ng isa sa mga miyembro ng production staff ng Your Song. "Pero 'pag simula na ulit ang trabaho, seryoso na uli ang dalawa. " Samantala, sa mga susunod na episodes ng kinagigiliwang istorya nina Morrie (Sam) at Melissa (Bea), patuloy pa rin ang pagpapanggap ng dalawang bida. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, malalaman na ni Fernan, ama ni Melissa, ang totoo. Dahil rito, iimbitahan ni Fernan si Morrie na manirahan sa kanilang mansion sa weekend upang tunay na ipaglapit ang loob ng dalawa. * * * Masayang-Masaya raw ang Lovers in Paris leading man na si Piolo Pascual for Angel Locsin's Best Actress nomination sa International Emmy Awards for Lobo kung saan ay kapareha niya ang young actress. In an interview, Piolo expressed his excitement dahil alam daw niya that Angel deserves to be nominated for Lobo dahil talaga naman daw napakahusay ng leading lady niya sa nasabing serye. Say pa ng aktor, pang-international na raw si Angel at napakalaking bagay daw ito hindi lang para sa aktres kungdi para rin sa lahat ng bumubuo ng serye. Samantala, happy rin naman si Piolo para sa kanyang leading lady sa Lovers in Paris na si KC Concepcion dahil maganda ang feedback ng first teleserye nito. Marami ang pumupuri sa acting ni KC at pati na rin sa buong cast kaya naman tuwang-tuwa ang aktor. Pinaghihirapan daw nila ang bawat episode at sana raw ay patuloy pa itong subaybayan ng televiewers. Bukod sa taping ng Lovers in Paris, busy rin ngayon si Piolo sa pagtulong sa mga biktima ni Ondoy at Pepeng. Kasa-kasama rin siya ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN sa paglilibot at nag-participate rin siya sa Magic for a Cause fashion show ng network kung saan ay rumampa ang aktor wearing an Inno Sotto design. Bukod dito, balita naming may sarili rin siyang isinasagawang relief operations para sa mga nasalanta. * * * Makikisaya ang ABS-CBN Regional Network Group Kapamilya Karavan sa kakaibang selebrasyon ng annual Masskara festival sa Bacolod City ngayong darating na October 16 at 17 sa Gaisano Mall. Kilala bilang City of Smiles, ipinagmamalaki ng Bacolod City ang 'Masskara' na nakuha sa mga salitang 'mass' na ibig sabihin ay 'many or a multitude of people' at ang Spanish word na 'cara' na ibig sabihin ay 'face. ' Isa sa pinakakilalang feature ng festival ay ang pagsuot ng mga tao ng mga maskarang nakangiti, kaya naman ang Masskara ay 'a multitude of smiling faces. ' Dagdag pa dito, siguradong lalong lalaki ang ngiti ng mga Ilonggo sa back-to-back special events ng ABS-CBN -- ang Kapamilya Karavan at 'Pista ng mga Bata' medical mission, jobs fair at barrangayan. Makikita in person ang mga Kapamilya stars na sina Sam Concepcion, Dino Imperial, Nikki Valdez, Elias Paniki aka Jake Cuenca at Kambal sa Uma stars na sina Matt Evans at Melissa Ricks sa kanilang pagbibigay ng "uber" special performance sa Oct. 16, 3 p. m. sa Gaisano Mall. Sa susunod na araw, Oct. 17, 2 p. m. , sa Gaisano Orchard Area, makakasama naman ng mga taga-Bacolod ang miracle boy ng bansa na si Santino sa kanyang pagtulong sa Pista ng mga Bata medical mission na may layuning tumulong sa mga taong naapektuhan ng bagyo. Source: People's Tonight |