Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Droga, tinanggihan ni Juday! Martin, naghahanda ng madugong resbak kay Jomari?

Author: Alfie Lorenzo
Column: Star Nga Ba?

BISING-BISI ang GMA PR department ngayon, ha! Pagkatapos ng bonggang-bonggang press launch ng “Zorro” kagabi sa bagong GMA studio, ngayong hapon naman ay may pocket interview para sa matagal na nabimbing career ni Prince Stefan kaya tuloy hindi siya naging king at nakahilera kina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

At mamayang gabi naman ay premiere night ng horror movie ni Robin Padilla na “Sundo”. Kaya huwag na kayong magpapasundo, basta manood na lang kayo, ha!

Nakakatawa, kasi kung ang GMA PR department, eh busy sa pag-iimbita sa mga media people, ang PR dept. naman ni Bong O­sorio ay busy sa pagso-sori po, sori, sori -ala-Ja­panese style with high bowed, huh! Ha! Ha! Ha! Ha!
***

Uy, congrats to our longtime friend Linggit Tan, siya na pala ang pumalit sa dating position ni Tita Cory Vidanes.

Kaya tuloy ang da­ming naiinggit kay Linggit!

Why? Kasi sa usap-usapan lang namin diyan sa mga kainan sa ibaba ng ELJ bldg. namin nalaman ang pag-angat ni Linggit na nalagpasan pa raw ang mga dati niyang kasamahan at ka-level niya, ngayon eh boss na nila si Linggit.

May tinext nga ako kung ano ang position napunta kay Linggit Tan, sagot ba naman ng tinext ko eh itanong ko raw kay Bong Osorio.

Haaaa? Ibig sabihin si Linggit Tan na ang bossing ni Bong nga­yon? Naku, lagot! Paanoo ba 'yan Donita, Bong Sumbong na talaga?
***

Laman ng mga tabloids uli si Martin Nievera nga­yon. Kung last week ay tila bida-bida si Martin sa mga tabloids dahil sa pakikisawsaw niya sa sabaw na hindi naman dapat siyang kasahog, matapos siyang banatan sa sagot ni Jomari Yllana sa kanya ay mararamdaman mo sa mga nagsulat ang pagkainis din kay Martin na hindi nila maisulat.

Pero ngayon ay mistulang iginanti sila ng statement ni Jomari sa bagong “Cool Center” show nina Anjo at Eugene Domingo.

Natural lang na sa show ng utol niya nagsalita si Jomari para bongga nga naman ang launching ng bagong show ng utol niya!

For what are brothers for debah, Tito Dougs?

Quiet ngayon si Martin Nievera. Either nina­namnam muna niya ang sinabi ni Jomari or naghahanda siya for a more bloody resbak?

Abangan! Knowing Martin, hindi magpapatalo 'yan as far as kadaldalan is concerned!
***

Hindi natuloy ang taping this week ni Juday kasi ayaw niya ang istorya nito tungkol sa drugs. Alam niyo naman si Juday, maingat 'yan sa mga roles na gustong gawin dahil ayaw niyang makaimpluwensya sa mga kabataan lalo pa sa drugs, paglaban/pagsagot sa magulang, sexy roles, etc., na serious. Comedy puwede pa siguro.

Gusto rin siyang i-guest sa “Santino” like Claudine Barretto. Ako naman ang may ayaw.

Kasi napag-aralan ko na rin ang moves ng mga career handlers ng magic kingdom. Pilit nilang binubuhay ang bangkay na sila rin naman ang pumaslang!

Like Jericho Rosales whom they “murdered” in “Santa Santita”, hayan, komo toprater ang “Betty La Fea” (gawa ni Ruffa? Ha! Ha! Ha! Ha!), inilagay doon si Echo as guest.

Toprater din ang “Santino” kaya inilagay doon si Claudine prior to her new teleserye. But is that a wise career-move? Pray tell me PAMI members!

Incidentally, tila may konek talaga sa isa't isa sina Juday at Claudine na parang Nora-Vilma noon.

May nagtangka raw kumidnap sa adopted daughter ni Claudine na si Sabina. At isinabit pa si Juday nung nagtangka na hindi naman nakasuhan ng kidnapping, kasi fan daw siya ni Juday!

Kung Sabina ang pangalan ng adopted daughter ni Claudine, si Juday ay may Sabina rin sa buhay! Pero baligtad.

Kung si Sabina ay adopted daughter ni Claudine, may Sabina rin si Juday na nag-adopt naman kay Juday nung bata pa ito. Ha? Naguluhan na naman kayo?

Si Sabina ang pangalan ng yaya Binay ni Juday na siyang nagsilbing lookout ni Mommy Carol habang nasa Canada siya, sa three children niyang inilayo kay Manuel na sina Jeffrey, Jackie at Juday.

Si Sabina o yaya Binay ang kasa-kasama ni Juday saan man siya magpunta noon, be it in school, raket sa iba't ibang malalayong mga probinsya at taping and shootings.

Pinag-retire na ni Juday si Sabina at sa bahay na lang siya with Mommy Carol.

Paglaki kaya ni Sabina ni Claudine eh siya naman ang maging yaya ni Claudine? That is kundi maagang mag-aasawa si Sabina at lalayasan na sina Claudine, Raymart at Santino, noh!

Source: Abante