|
|
| EB Babe Saida, hindi pinupormahan ni Dingdong!![]() Author: Abante SA palitan ng text messages lang namin ni Dingdong Dantes nakuha ang reaction niya sa tsismis na ang EB Babe member na si Saida ang pinupuntirya niya ngayon. Kung ang malapit na kaibigan niyang si Paolo Contis ay girlfriend ang isa sa mga EB Babes member na si Lian Paz, hindi nga naiwasan na madamay siya at matsismis kay Saida, na kaibigan ni Lian. Si Manay Lolit Solis ang nagbigay ng ideya na dahil daw close ang mga alagang sina Paolo at Dingdong, baka raw si Dingdong ang nagpakilala kay Paolo kay Lian dahil si Dingdong ay may pinupuntirya rin among the EB Babes. Tinanong namin si Dingdong kung may pinopormahan ba siya sa EB Babes, at mabilis itong nag-reply sa text ng, “Wala! Ha ha! Ha!” We told her na si Manay Lolit ang nagsabi nu'n, at ang reaction lang ni Dingdong, “Ewan ko ba kay Manay, nang-aasar yata!” at saka ito tumawa. In fairness, naniniwala kami kay Dingdong na unlike Paolo, wala nga siyang pinopormahan sa mga taga-EB Babes. Bagama't matagal nang break sa kanyang ex-girlfriend at balitang mas lalo na silang nagiging close sa isa't isa ng ka-loveteam na si Marian Rivera, may taong malapit kay Dingdong na nakausap namin ang natutuwa para sa actor dahil nakikita raw niyang nag-e-enjoy ito sa pagiging bachelor ngayon. Kumbaga, hindi raw niya maalala na walang girlfriend ang actor simula nang magbinata ito, kaya parang ngayon lang nito ine-enjoy ang pagiging bachelor niya at walang commitment kahit na kanino. Absuwelto na rin naman si Dingdong sa isyu sa pagli-link din sa kanya kay Saida. Si Paolo mismo ang nag-absuwelto kay Dingdong dahil siya ang nagpatunay na hindi ang kaibigan ang naging daan para magkakilala sila ni Lian. In fact, ang naging daan pa nga raw ay si Gorgy Rula na kung saan, na wrong sent nito kay Paolo ang message na dapat para sa iba, nang minsang maaksidente si Lian malapit sa Camp Crame. At dahil may kakilalang pulis sa Crame kung kaya't nagawa niyang tulungan si Lian na at that time ay hindi pa sila personal na ipinapakilala sa isa't isa. After raw niyang matulungan ay nag-text ito sa kanya at nagpasalamat. Pero that was more than a year ago na raw ayon pa kay Paolo. Busy sa ngayon si Dingdong sa taping Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Mayaman ang papel ni Dingdong dito at isa sa sasakyan niya na mapapanood sa series ay Volvo na ayon sa nakarating sa amin, binabayaran ng production ng ilang libo kada-gamit ang naturang sasakyan. Anyway, 'single and still myself' ang deskripsiyon ni Dingdong sa sitwasyon niya ngayon. Source: Abante |