Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

EB Babes Zaida at Angel, nag-sorry sa Marian-Dingdong fans

Author: People's Tonight

GAYA ng mga nakaraang taon, jampacked ang special roadshow na ginanap sa pagdiriwang ng founding anniversary ng Navotas City nu'ng Huwebes ng gabi.

Dagsa ang mga nakisayang Navoteño para makita in person ang mga idolo nilang sina Ai-Ai de las Alas, Billy Crawford, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Bugoy, EB Babes at marami pang iba.

Siyempre, dahil may isyu sa kanila at kay Dingdong Dantes, naging mabenta sa press sina EB Babes Zaida at Angel.

Hitsura ng hindi pa nakakapagpahinga matapos ang magkasunod na dance number, nagpaunlak agad ang dalawa ng ambush interview.

Pareho nilang dinenay ang nasulat na nagkakaselosan sila dahil sa ex-BF ni Karylle at favorite screen partner ni Marian Rivera.

Okay na okay daw sila at hindi totoong may samaan sila ng loob.

"Nagtaka nga po ako kung paano nangyari 'yon, eh. Kinabahan po saka nagtaka," ang sey ni Zaida nang usisain kung siya nga ang nililigawan ni Dingdong sa kanilang dalawa ni Angel.

Pero, inamin niyang kasama nga siya nina Dingdong, Lian Paz at Paolo Contis nu'ng holiday season sa Boracay.

Si Angel, hindi nakasama sa grupo.

Kung si Zaida umaming kilala si Dingdong dahil sa Bora trip, si Angel, kilala lang daw ang aktor dahil nakikita at napapanood sa TV at pelikula.

"Hindi po nanliligaw, wala rin pong paramdam," ang magkasabay nilang turan nang kulitin kung nanliligaw ba o nagpaparamdam man lang si Dingdong sa isa sa kanila.

Humingi rin sila ng paumanhin sa Dingdong-Marian fans na posibleng maapektuhan ng naglilitawang tsismis.

Sabi nina Zaida at Angel, "Pasensya na kung ganito ang lumalabas. Pasensya na rin kay Marian kasi maganda pa naman ang loveteam nila. "

IFF

Source: People's Tonight