Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'EB' sa L.A., punumpuno ng tao - Marian & Dingdong

Author: Nitz Miralles

NAGKAROON ng birthday celebration ang Marimar at Dyesebel pair na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa SOP kahapon ng tanghali.

Nu'ng August 2 ang birthday ni Dingdong, si Marian naman sa Aug. 12 pa.

Siyempre, sinamantala na 'yun ng invited press para kunin ang reaksyon ng dalawa sa mainit na pinag-uusapang Eat Bulaga L. A. Grand Fiesta, kung saan naging guests sila kasama ang real-life sweethearts na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Una naming tinanong si Marian, na ang sagot ay: "Nakakalungkot na ganu'n ang nangyari. Kitang-kita ang dami ng tao. Ang bleachers, 'di ibinenta. "

Si Dingdong naman, narito ang tugon: "Not true. Punumpuno talaga ng tao. Hindi talaga binenta ang taas. Mas maliit siya (L. A. Sports Arena) sa Araneta Coliseum, pero punumpuno. "

Ayan, ha.
* * *
HINDI pa man nagsisimula ang shooting ng One Night Only, first movie ni Katrina Halili sa OctoArts Films, iniintriga na.

May tsikang hindi na kasama sa cast ang ABS-CBN talents gaya nina Angelica Panganiban at Roxanne Guinoo, dahil hindi pinayagan ng Star Magic, but as we go to press, wala pang kumpirmasyon sa isyung ito.

Hindi pa rin natatanong si Katrina kung ano ang magiging reaction niya sakaling totoong hindi na niya makakasama ang mga nabanggit na Kapamilya stars.
Pero, malinaw ang sinabi ni Direk Joey Reyes sa contract signing at presscon ni Katrina na 24 ang cast ng movie at lahat sila'y importante ang role, pero siyempre, may mas malaki ang exposure kesa sa iba.

Samantala, si Katrina ang featured actress sa first month ng Obra, siya rin ang leading lady ni Dennis Trillo sa Gagambino at isa sa kasama ni Robin Padilla sa Sundo ng GMA Films.
* * *
SA launching ng Slendance, ang 30-minute dance workout na kombinasyon ng aerobic exercise, coordination, endurance at mental workout, in-announce ni Valerie Concepcion na may gagawin siyang movie sa OctoArts Films, kaya mali ang tsikang hindi na siya kasama sa One Night Only, dahil ayaw daw nitong magsuporta kay Katrina.

Nagulat si Becky Aguila, manager ni Valerie, sa isyu ng pullout, nasa kanya na ang script ng One Nigt Only, pero hindi pa niya nababasa at 'di alam ang role nina Valerie at Joross Gamboa, talent din niya at kasama rin sa pelikula. Hindi rin niya alam na may ganu'ng isyu.

Iniintriga rin si Valerie na ginaya si Marian Rivera sa kanyang Slendance album na itinanggi nito.

Sabi ng aktres: "I don't want to compete with Marian, ganu'n talaga ako magsayaw, pero sa video, iba ang sayaw ko at 'pag napanood ninyo, hindi na kami maku-compare. May personal touch ang video, heart, body, soul, and mind ang puhunan ko. "

Slendance aims to make exercise easy, fun and regular part of your daily routine. Mabibili ang workout video sa lahat ng record bars at starry starry store (ABS-CBN's online worldwide).
* * *
INGLISERO ang bagets hosts ng Sports Kidz na papasok na sa 4th season simula August 16, 11-11:30 a. m.. , sa Studio 23.

Sila'y sina Anton Asistio (13 years old), Javi Benitez (13), Sara Castañeda (11) at Katrice delos Reyes (15) na may competition sa ibang bansa.
Champion sa sports na kanilang napili ang apat, gaya ni Katrice na ice skating champion and from Reedley International School, si Javi ay junior karting champion at from Xavier School.

Si Anton naman, junior basketball player at isang Atenean, si Sara ay soccer player from De La Salle Zobel. Mikee Cojuangco look-alike ang bagets at very telegenic.

Nahahati ang Sports Kidz sa mga segment na Hype Sports Events, Out of Bounds, What a Fact, Old School, All the Right Moves, MVP, Tekkie Muna at magkakaroon din ng Olympic Trivia.

Thank God at walang may gustong mag-artista sa kanila, kahit lookie sila at sa sports at hosting na lang magko-concentrate.

Discipline, time management at kung paano humawak ng pera ang natutunan ng mga bagets sa pagho-host ng Sports Kidz.
* * *
GINAWA sa nabiling Laurel Mansion ni Senate President Manny Villar ang pagpapakilala sa 16 na nagwagi sa paligsahang Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga.

Umabot sa P1. 6 million ang naibahagi o P100,000 bawat isa sa mga bagong entrepreneur.

Nagsanib-puwersa ang Nacionalista Party at Sipag at Tiyaga Foundation upang matupad ang objective ng NP na isulong ang pagnenegosyo through Pondo sa Sipag, Puhunan sa Tiyaga.

Inilunsad ang nasabing proyekto sa pagdiriwang ng ika-100 anniversary ng NP sa PICC noong November 2007 upang mahikayat ang mga Pinoy na magsimula ng negosyo para labanan ang kahirapan at makaahon mula sa kanilang pamumuhay.

Ang mag-iitik na si Pacifico dela Cruz, 54, mula sa Plaridel, Bulacan, ang nanguna sa mga awardee na tumanggap ng P100,000 each.

"Hindi lang pagkilala sa kakayanan ng bagong usbong na negosyante ang ating layunin, gusto rin natin silang hikayatin na ipagpatuloy ang pagnenegosyo, kaya bigyan natin sila ng dagdag na capital tulad ng Pondo," diin ni SP Villar.
* * *
ANG tema sa Monday episode ng Moms na Global Traveller ang nagagawa sa tao ng madalas na pagta-travel.

Guests sina Tessa Prieto-Valdez, Marc Nelson at Rovilson Fernandez at magsi-share sila ng travel experiences nila sa viewers.

Sa Q-11 napapanood ang Moms, 5 p. m. , Monday to Friday with Lani Mercado, Sherilyn Reyes at Manilyn Reynes as hosts.
* * *
SA Dyesebel ngayong gabi, magpapakilala na si Isabel bilang tunay na Dyesebel para pigilan ang relasyon nina Fredo at Cassandra (Michelle Madrigal).
Inalis nito ang kanyang kuwintas at makikita siya ni Fredo sa totoo niyang katauhan, pero mabago pa kaya niya ang desisyon ng binata na pakasalan si Cassandra?

Gumagawa na ng hakbang si Dyesebel na mabawi ang puting perlas kay Cassandra sa turo ni Amafura (Rufa Mae Quinto). Malapit nang mabuking ang fake na sirena.

Source: People's Tonight