Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

'EK4,' naungusan ng 'SSS'

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Delayed ang dating ng gross result ng Metro Manila Film Festival ngayon at parang hirap na hirap ang organizers o kung sinuman ang in-charge sa aspetong ito na ibigay ang figures.

As of yesterday, may natanggap kaming text message na ang isinasaad ay ang ranking ng MMFF entries sa first five days gayung mahigit isang linggo na itong tumatakbo.

As we write, wala pa kaming balita kung ano ang kinahinatnan ng tatlong pelikulang nagbukas last January 1 — Desperadas, Banal at Anak ng Kumander.

Sa natanggap naming text, naungusan na ng Sakal, Sakali, Saklolo ang Enteng Kabisote 4 ng P2 million sa limang araw na pagpapalabas ng mga ito.

Here are the rankings and figures base sa natanggap naming text messages: SSS, P68M; EK4, P66M; Shake Rattle and Roll 9: P42M; Resiklo, P15M; Bahay Kubo, P12M; at Katas ng Saudi, P2. 5M.

* * *

Hindi pinakikialaman ng manager na si Becky Aguila ang affairs of the heart ng kanyang mga alaga, kaya hindi totoo ang balitang pinahihiwalay niya si Jennylyn Mercado sa boyfriend na si Patrick Garcia.

Aware ang manager na maraming intriga sa ngayon ang relasyon nina Jen at Patrick. Kung anu-ano na ang lumabas na balita.

Kesyo lulong ang aktor sa on-line casino at malaki raw ang utang nito sa girlfriend dahil sa bisyong ito.

Ayaw maging judgmental ni Tita Becky. So far, wala naman daw inaamin pa si Patrick sa lahat ng mga akusasyon kaya ayaw niya itong husgahan.

"Basta ang wish ko na lang sa kanila, maging matatag sila sa lahat ng mga dumarating na trials at 'yung love nila for each other will stand the test of time. Kung talagang sila, sila pa rin no matter what.

"Kilala n'yo ako, I don't meddle with my talents' personal affairs. But if anything happens, nandito lang ako to guide them or give advice," say ng manager.

Samantala, gusto nga palang magpasalamat ni Tita Becky kay Manny Pacquiao for keeping his word. Tinupad nito ang usapan na tatanggalin ang kissing scene with Valerie Concepcion sa pelikulang Anak ng Kumander at maraming positibong feedback ang natanggap niya, na lumutang pa rin ang kanyang alaga kahit kinatay na ang nasabing maselang eksena.

"Napakaganda niyang kausap and I give credit where credit is due, kaya gusto ko siyang pasalamatan. But I can't say the same to the director (Kaka Balagtas) of the film dahil marami akong narinig na hindi magaganda niyang sinasabi about me and Valerie," pahayag ni Tita Becky.

Excited na raw siya sa airing ng Lobo sa ABS-CBN, na pinagbibidahan ng pinakamalaking alagang si Angel Locsin katambal sa kauna-unahang pagkakataon si Piolo Pascual.

"Napakagandang serye, talagang pinaghandaan at pinagkagastusan and I'm thanking ABS-CBN for giving Angel that kind of project. "

Excited din siya to reinvent her new talent, Joross Gamboa, and this year, isang bagong Woss (tawag sa young actor) ang makikita ng mga tao.

Bagama't marami ring pinagdaanang intriga ang manager nu'ng nakaraang taon, she's hoping that things would be better this 2008.

Source: People's Tonight