Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

"EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN!"--JOEY

"EXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN!"--JOEY

Author: Jojo Gabinete
Column: The Source

"EXPLAIN before you complain!" ang paulit-ulit na mensahe ni Joey de Leon para kay Willie Revillame kahapon sa Eat Bulaga.

Pero, ni minsan ay hindi binanggit ni Joey ang pangalan ni Willie habang nagsasalita siya tungkol sa pinag-ugatan ng galit sa kanya ng host ng Wowowee.

Narito ang naging pahayag ni Joey sa Eat Bulaga kahapon:

"Hinihiling ko lang po ang katahimikan ninyo at may konti akong sasabihin. Magandang hapon po sa buong Pilipinas at sa inyong lahat at sa lahat ng inaabot ng Eat Bulaga.

"Kahapon (Wednesday) po ay may isang nilalang at isang kaluluwa na siniraan ang inyong lingkod, at kung anu-ano ang mga nasabi. At ako po ay nagulat dahil parang ako lamang ang napiling tirahin o bigyan ng pansin sa mga isyung bumabalot sa kanya sa kasalukuyan.

"Alam ninyo po, mga isang linggo na ang nakalilipas, sasariwain ko lang sa inyo, kung saan nag-ugat, papaano nag-umpisa ito sa tao, at kung paano nagkaroon ng ganyang pangyayari.

"Isang linggo na ang nakakaraan, biglang pumutok po sa diyaryo, television at radio, lalo na po sa Internet, o �yung mga Youtube po at sa mga cellphone. Ang balita ko, tinalo nito ang lahat ng sex video, ito ngayon ang box- office.

"Diumano, ayon sa Internet, nagkaroon nga ng, ni hindi nga po binanggit ang dayaan, nagkaroon ng hindi normal o regular na pangyayari sa isang palabas sa telebisyon, hindi po ang Eat Bulaga �yon.

"Sa palaro na `yon, ayon sa Youtube at kung anu-ano pa, napanood niyong lahat, nagkaroon ng jackpot na, na parang katulad nu�ng araw, meron kami ritong Laban O Bawi, huhugot ng ganun, tapos ipapakita mo kung nasaan ang P1 million. Lumabas ito sa diario at lahat ng balita, ginanun daw ng host �yung tumitira sa akin, zero po ang lumabas, meaning hindi nagwagi ang babae, sa kalakaran ng telebisyon, ipapakita �yon kung nasaan ang jackpot.

"At sa pagkakataon na to, ang kanilang premyo, dalawang milyon yata. So, ipapakita nila, hinahanap nila, sabi sa video, narito po sa Violet na kahon, ang Violet po parang talong, dinampot ang kahon ayon sa video, binuhat na ganu`n, may alalay na babae na ganun, narito po ang P2 million, hinugot na ganun, base sa Youtube �yon. Paghugot, zero ang lumabas, tapos ang maririnig n�yong boses sa Youtube, ay mali, tapos biglang bumalik ang kamay niya, hindi sa ibabaw, hindi ko maeksakto kung saan, pero heto pala, hawak ko pala, tapos may parang 2 na lumabas, may iba pang parang film na pang-X ray. Doon nagtapos ang palabas.

"Mga kaibigan, kapag ang bata po nadapa, tinatanong natin, bakit, pag nauntog, bakit? Ang buong Pilipinas pa, buong masang Pilipino, at ang mga mahihirap na sumasali at umaasa sa ganitong palaro, hindi ba karapatan din niya ang magtanong, bakit nagkaganun, hindi pa po pinapaliwanag ng taong ito, bakit nagkaganoon. �Yun po ay sa Youtube na lumalabas.

"Bakit hindi ninyo muna ipaliwanag bago kayo maghanap ng ibang kung sinu-sinong sisisihin. Inuna niyo pang tirahin ang ibang tao para malihis ba ang atensiyon?

"Ang pagsasalita ko pong ito ay alang-alang sa milyon-milyong Pinoy na humihingi ng paliwanag. Sigurado po �yan, humihingi kayo ng paliwanag, bakit nagkaganoon? Siguro, dapat nating ipaliwanag.

"Kaibigan, para sa iyo �to, explain before you complain!" mahabang sabi ni Joey, na sinabayan ng malalakas na palakpak ng mga manonood sa studio.

"Pag napaliwanag mo nang maayos, ganito kasi� Pero ang nangyari, binalewala mo ang tanong ng mga Pilipino. Isa lang ang pakiusap ko sa iyo, kaibigan, pag-aralan mo na magpaliwanag kung may dapat kang ipaliwanag, na diumano ay pagkakamali mo, dahil pare-pareho tayo ng ginagawa, para sa tao, lagi mong sinasabi, para sa bayan, mga ganung pagkakataon.

"Pag-aralan mong umiyak ng may luha!" pagpapatuloy pa rin ni Joey, na sinabayan ng sigawan at tawanan ng mga tao sa paligid.

"Kasi, alam mo madaling lumuha, kumuha ka lang ng sibuyas o alcohol, wisikan mo ang mata mo. Alam mo dinudutdot mo ng ganun. Ayoko na masyado mo ko pina-flatter, baka sabihin ng mga tao, si
Joey, siya ang una na nagpaiyak ng dugo.

"�Yun lang kaibigan, at sa mga taga-senado, binabati ko sila, nanonood sila ngayon. Bago niyo unahin ang isyu ng Hello Garci, bakit hindi ninyo unahin ang Hello Papie! Joke! Joke! Joke!" patawa-tawang sabi ni Joey, na sinabayan pa rin ng sigawan ng mga tao.

"Maraming salamat po. Hanggang bukas, ipagpapatuloy natin ito. Hanggang hindi siya nagpapaliwanag, hindi tayo titigil. Pero �yon ay ayon sa Youtube, ha."

May mga pahabol pang sinabi si Joey, pero hindi na lang namin inilagay dahil masyado na ring mahaba.

Pero, nagtapos nga ang pahayag ni Joey sa sabay-sabay na pagbigkas na malakas ng mga tao sa paligid na: "Explain, before you complain!"

***

Kahapon din, may sagot kaagad si Willie, ilang minuto pagkatapos magsalita ni Joey sa Eat Bulaga. Hindi rin binanggit ni Willie ang pangalan ni Joey, pero paulit-ulit niyang sinabi ang salitang �kaibigan� bilang patungkol sa host ng Eat Bulaga.

"Wala akong dapat na i-explain dahil walang nagku-complain!

"Hindi ko kailangan ang senado, ang kailangan ko ay bayan, ang mga tao.

"Kaibigan, hindi mo na kailangan banggitin ang senado dahil tao ang kakampi ko!

"Kaibigan, manood ka, lolo na to, at lolo ka na rin!"

Tinanong din ni Willie kung kaya ni �kaibigan� na maging solo host ng isang show sa tulong nina Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion?

Well, mukhang hindi pa nga tapos ang isyung ito at patuloy na humahaba. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

***

Comments are welcome at jojogabinete@yahoo.com

Source: Abante