|
|
| Echo idinepensa si Carmen Soo sa isyu ng break-up kay HeartAuthor: Chan-Chan Torres Kung minsan ay nati-tiyempuhan namin ang Celebrity Duets 2 (sa GMA-7 tuwing Sabado ng gabi), sa totoo lang, ilan lamang sa kanila ang may timbre at nakakatuwang panoorin on stage. Naku, itong si Carlene Aguilar, sana mag-model na lang. 'Yung isa ring chef ('di namin knows ang name) doon na contestant, parang bata ang boses 'pag kumakanta. Kalokah! Mas-enjoy pa kami sa unang batch ng Celebrity Duets, eh. Natutuwa naman kami kay Joey Marquez. Aba, cool na cool si Tsong Joey, huh. Even on stage, naroon pa rin ang karisma nito habang kumakanta. Teka, kinantahan din kaya ni Joey ang mga ex-niya noong sina Alma Moreno at Kris Aquino? Just asking. * * * Para kay Jericho Rosales, unfair na akusahan ang kapareha niya sa Kahit Isang Saglit (mapapanood sa September 15 sa Primetime Bida) si Carmen Soo na siyang third party sa hiwalayan nila ni Heart Evangelista. Matagal-tagal ding na-nahimik ang aktor tungkol sa isyung ito at ngayong visible na ang dalawa dahil sa promo at TV guestings for this new project, ipinagtatanggol naman ni Echo ang leading lady niya sa mga malisyosong ispekulasyon. Sa panayam pa kay Echo, kaibigan daw talaga ang turing niya kay Carmen at totoong tinutulungan niya ito na makapag-adjust din dito sa bansa. In fact, may mga nakilala na rin daw si Carmen at naging kaibigan through him pero hanggang doon lang. Mariing pinaninindigan ni Jericho na wala sa anggulo ng hiwalayan nila ni Heart ang Malaysian actress. Hindi raw ito patas kay Carmen na isama pa siya sa kung anuman ang gulo sa relasyon nila dati ni Heart. Mukhang wala pang pla-nong makipag-relasyon ang aktor sa ngayon. Komento pa ng ilang televiewers, nadala yata si Jericho sa naging relasyon niya kay Heart, 'di kaya? Malamang nasaktan ito nang todo kaya hayun, mas gusto raw muna ni Jericho ang mag-bonding with friends at mag-surf sa iba't ibang lugar na type niya gaya sa La Union. Nabalitaan din namin na in good terms sila ng isa ring babae sa past niya, si Kristine Hermosa. In fact, may gagawin din daw pala silang project together. Kilig pa rin, 'di ba? Wala naman kaming masabi sa teaser ng Kahit Isang Saglit. Para itong Asian movie na ginawa for TV. Pabulosa talaga. Mapapanood na ito mula September 15, sa Primetime Bida lang po. 'Wag bibitaw! * * * Naka-chikahan namin ang guwapong bagets na si Lance Christopher, isa siya sa mga ini-launch ng Star Circle Batch 16. Half-Pinoy at Irish, may dugong German din itong si Lance kaya you can just imagine na cutie talaga siya in person. Agad namin siyang tinanong kung paano siya na-discover ng manager niyang si Jun Reyes at eventually ay dinala na siya sa Star Magic ng Dos. "Nakita po niya (Jun) ako sa labas ng PBB house dati. Nag-audition po kasi ako, unfortunately, I didn't make it," maikling paliwanag pa ng bagets. Hindi ipinagkaila ni Lance na totoong disappointed siya nu'ng hindi siya natanggap para ma-ging isang housemate. But then again, naging positive ang binata sa pagsasabing may nagbukas namang oportunidad sa kanya, ito ang Star Circle 16. Tubong-Pangasinan si Lance. He is living with his Mom dito sa Maynila. Namatay na raw ang ama niyang foreigner last two years ago pa. Inusisa rin namin siyempre kung sino ang artistang crush niya o gustong ma-kilala? Aniya, si Valerie Concepcion ang type niya. Nagagandahan daw siya kay Val at minsan na raw niyang nakita ang TV host sa isang event, nabaitan siya dahil friendly daw si Valerie sa mga taong naroon. Nahiya lang daw itong si Lance na pansinin si Val. Ganoon, natorpe agad? Watch out for Lance at sa ibang mga cutie pang kasamahan niya sa Batch 16 ng Star Circle. For sure, magiging visible sila ng lahat these days. Source: Taliba |