|
|
| Eddie, puntirya ng Dos para sa Gabby-Claudine teleseryeColumn: Tattle Lola pala ni Claudine Barretto ang role na gagampanan ni Susan Roces sa teleseryeng magsisilbing tv comeback ni Gabby Concepcion. May pamagat na Iisa Pa Lamang, kasama rin sa series ang mga batikang performer tulad nina Diether Ocampo, Laurice Guillen, Joel Torre at Maricel Laxa, who will play the role naman bilang mother ni Claudine. "Pero, mamamatay si Maricel. They would have wanted to give Eddie Gutierrez a special role, kaso, balitang may sisimulan itong serye sa GMA-7 on May 2," anang aming source. What would be Gabby's role in the teleserye? "Well, he's supposedly a lawyer na 10 years older than Claudine. Pero, ang pipiliin ni Claudine na mapangasawa ay 'yung character sana ni Eddie. "Napakaganda ng series based on the storyline. Kaya, hindi nakapagtataka na tinanggap ni Susan ang kanyang role. It's her first time to play the role of a lola," susog pa ng aming kausap. * * * Kapag si Susan daw ang kasama mo sa siyuting o taping, walang magugutom sa inyo. 'Pag dumating daw kasi ito sa set, she makes it a point na magdala ng pagkaing nasisiguro niyang kakasya sa lahat ng taong makakasalo niya sa pagkain. "O, 'di ba, napakasarap magluto ng kanyang mayordomang si Doray? Kaya, anumang araw na mag-taping o mag-siyuting si Manang Inday (tawag kay Susan ng aming source), mala-fiesta ang atmosphere," tukoy pa nito. * * * Malapit nang magtapos ang action series na Palos ng ABS-CBN. Nangangahulugan lang na malapit na ring maipalabas ang horror series na pinangungunahan nina Claudine, Diether at Rafael, ang Maligno. In fact, bukas ay magkakaroon ng preview-cum-presscon ang Maligno. Si Wenn Deramas ang director nito. Four weeks lang magtatagal sa ere ang Maligno. Small wonder, therefore, kung sa timeslot nito mapupunta ang bagong series ni Claudine. Bale itong Maligno ang unang TV series na ginawa niya mula nang ipanganak si Rodrigo Santino. Buntis pa si Claudine sa kanilang panganay ni Raymart Santiago nang gawin ang teleseryeng Walang Kapalit kasama si Piolo Pascual. * * * Pinakamasayang mother sa buong mundo ngayon, Ian F. , ang kaibigan nating si June Torrejon, isa sa executives ng Viva Group of Companies. Dalawa sa kanyang mga anak — ang panganay na si Rachelle at bunsong si Bertha — ang sabay na nagtapos ng college this March. Medicine ang kursong kinuha ni Rachelle samantalang si Bertha ay Dentistry. As a graduation gift to both girls, June gave each of them a car. Na, ayon kay June, ay kanyang hinuhulugan. Annulled na ang kasal ni June sa ama ng mga bata (apat silang lahat) na si Randy Rufino. Source: People's Tonight |