| | Edu Manzano agrees to appear in Vilma Santos-Luis Manzano movie Author: Julie Bonifacio Nang makausap ng ABS-CBN.com si Edu Manzano sa isang thanksgiving party niya for the entertainment press, nabanggit nito na excited siya sa nalalapit na movie ng kanyang anak na si Luis Manzano na pagbibidahan din ng kanyang dating asawa na si Gov. Vilma Santos. Alam naman daw niyang serioso si Luis pagdating sa pag-arte kaya't kayang-kaya nito role na bading at ang much-talked about kissing scene niya kay John Lloyd Cruz. "Alam mo bagaman sabihin natin na bata pa si Luis sa industrya marami na siyang nagagawa. But unlike my age during that time, you know, kasi si Luis he takes his craft seriously. 'Yung iba d'yan naglalaro pa, eh Siya hindi. I know how much he likes what he's doing. So, itong mga 'to wala na siyang kailang patunayan, ah, sa publiko with regards to masculinity. What he wants to show them is that he has what it takes to be a good actor." At sa parinig sa kanya ni Gov. Vi noong contract signing nito sa ABS-CBN, na kailangan daw siya mag-guest appearance sa pelikula, wala naman daw itong problema sa kanya and very open si Chairman na gumanap bilang tatay ni Luis sa project. "Yeah, well, tumigil ako ng pagpepelikula when I took over the Optical Media Board. Kasi sabi ko you cannot serve two masters at the same time. But in this case, it's a very, very short, one or two days shooting and siguro gusto ko lang makuha ang pagkakataon na ito na makatrabaho si Luis at si Governor Vi. Ang problema hindi naman 'yan naisip nu'ng ginagawa 'yung script. Nagbubuo sila ngayon ng karakter kung ano ang babagay sa akin." Hindi naman daw naging mahirap na kumbinsihin siya na tanggapin ang project dahil once in a life time chance nga naman niya makakatrabaho sa ganito si Luis at si Gov. Vi. "Isipin mo lang kasi parang napaka-unique 'no. Ah, hindi namin pinayagan si Luis noon gumawa ng kahit na anong appearance noon sa telebisyon o pelikula kasi sinabi ko noon, ang utos ko was kailangan muna siyang magtapos sa kanyang pag-aaral that would be only time. So I knew hindi ko talaga siya makakasama until he got of age. So, now, bagaman meron akong restrictions, na binan ko ang sarili ko from making movies mula nu'ng tinake-over ko ang OMB office, okay na. Kaya nga sabi ko nga kay Vi nu'ng nag-usap kami, kung one day lang or two days maximum na 'yan at kung pwede weekends ng sa ganu'n, eh, hindi masasagasaan ang trabaho sa office." Source: ABS-CBN Interactive |
|