Aug 22
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpGoogle Groups

Edu boto kay Angel Locsin

Bagama't hindi pa pormal na ipinapakila ni Luis Manzano kay Edu si Angel Locsin bilang girlfriend niya, OMB Chairman Edu has only good words for Angel. Sa kasagsagan ng chikahan tungkol sa advocacy nito sa Child Pornography na itinataguyod ng OMB (Op...

 

Edu boto kay Angel Locsin

Column: Eksenadora
Author: Chan-Chan Torres

Bagama't hindi pa pormal na ipinapakila ni Luis Manzano kay Edu si Angel Locsin bilang girlfriend niya, OMB Chairman Edu has only good words for Angel.

Sa kasagsagan ng chikahan tungkol sa advocacy nito sa Child Pornography na itinataguyod ng OMB (Optical Media Board), MTRCB ni Chairman Consoliza Laguardia, CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) represented by Mgsr. Pedro Quitorio,sinabi naman ni Edu na although hindi pa ipinapakilala si Angel sa kanya formally, ay ilang beses na raw niya itong nakita sa mga social functions.

Say ni Chairman Edu, he finds Angel very nice and behave. O di ba, para sabihin 'yan ng ama ng isang taong malapit sa puso mo, malaking bagay na ito para kay Angel.

Samantala, hindi nagbibiro ang OMB, MTRCB at CBCP sa kanilang kampanya laban sa Child Pornography at mga nagbebenta ng mga pornographic materials.

Dismayado ang mga ahensiyang ito lalo na ang simbahan dahilan sa pagkawala ng moralidad ng mga magulang at aniya, sila pa mismo ang nagbinbenta at nagsasadlak sa mga anak nila sa pornograpiya at child prostitusyon.

Hay, nakakapanlumo ang mga ganitong pangyayari sa lipunan.

Tinanong namin si Chairman Edu, since they were all saying that it's best to educate the parents para hindi na lumaganap ang ganitong panganglakal ng laman, paanong educate ang gagawin?

Through seminars or what?

"You know, kung magulang ka, hindi mo na dapat malaman kung paano ka tuturuan na huwag mong ibenta ang anak mo. You should look into your hearts. Dapat sinusuri nila ang mga kunsensiya nila na alam nilang habang buhay ay magmamarka ito sa mga anak nila. " serysosong sabi pa ni OMB Chairman Edu.

Naniniwala kaming walang ganitong sakit sa lipunan kung hindi lang sa mga taong tamad gaya ng mga magulang ng mga batang ito.

* * *

Sa kabila ng mga negatibong balita kay Baron Geisler, aktibo pa rin ang actor at heto nga't kasali pa siya sa Eva Fonda ni Cristine Reyes.

Nabalitaan pa naming mahalagang papel umano ang ginagampanan ni Baron sa seryeng ito, pero kumbaga malayo naman daw ito sa impresyon ng mga tao sa kanya.

Napag-alaman naming hindi mahilig sa babae at 'di mahilig uminom ang papel ni Baron sa Eva Fonda. Ito naman kasi ang umano'y impresyon ng karamihan sa kanya.

Well, mukhang kaabang-abang nga 'yan.

Source: Taliba