Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Edu, proud sa 'Papaya'

Author: Abante

PROUD na proud si Edu Manzano, dahil pang-US na rin ang Papaya dance, na pinasikat niya, mula sa Universal Records.

Aba, malaking bagay na gamitin at saya­win ng mga hosts ng Good Morning America ng ABC News, sa pangunguna ni Diane Sawyer.

“Forget the Chicken Dance. Forget the Macarena. Everybody's ta­king a shot at it (the Papaya dance),” sabi pa ni Diane.

Kunsabagay, pati naman ang Army soldiers ay hindi na rin nagpaawat sa pagsayaw ng Papaya.

Nakakatuwang mapanood na na ipinagmama­laki ng mga host ng Good Morning America ang Papaya dance, na nagmula sa Pilipinas.

Well, 'yun ang dahilan kung bakit palaging nakatawa ngayon si Edu.

Ima­gine, ang 'papaya' niya ang ginagaya ngayon ng mga tao sa Tate?

Source: Abante