|
|
| Eh, ano kung wala si Pops sa concert ni Martin?![]() Author: Alfie Lorenzo ITIGIL na nga 'yang patuloy na pagtatanong kung darating ba si Pops Fernandez sa concert ni Martin Nivera, bukas (Peb. 01) sa Araneta Coliseum. Eh, ano naman ngayon kung hindi dumating si Pops sa concert ni Martin? Eh, hindi naman nakasalalay kay Pops ang attendance ng concert ni Martin na Martin Nievera XXV, ha! Mas dapat isipin ni Martin kung paano niya mapapaganda ang concert niya, o kung paano magiging happy ang mga fans niya, lalo na at silver anniversary niya, 'no! Eh, sabi nga ng kampo ni Martin, kapag concert niya, sure na complete package ang makukuha ng mga manonood. Eh, nandiyan pa rin naman ang kanyang powerful voice, adrenalin-packed performance at mga chart-topping hit songs niya, 'di ba? I'm sure naman, feel na feel pa rin ng mga fans ni Martin ang mga kanta niyang tulad ng Each Day with You, Forever, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Kahit Isang Saglit, Say That You Love Me at You are My Song, na ngayon nga ay itinuturing na ring mga timeless classics. Tapos, guest pa niya ang mga anak nila ni Pops na sina Robin at Ram. Siguro naman, magkakainteres ang mga tao na tingnan kung nananalaytay din ba sa ugat ng magkapatid ang musika, dahil pareho namang singer ang mga magulang nila at sabi nga, pareho silang marunong mag-compose at kumanta. Si Rowell Santiago nga pala ang director nito at si Louie Ocampo ang musical director. Prodyus ito ng XVR Events at 105.1 Crossover. Makakasama rin ni Martin ang 28-piece FILharmoniKa Orchestra under the baton of Gerard Salonga. Major sponsors naman ang Discovery Suites, ABS-CBN, Mossimo Music, Havitall Multivitamins, Paracetamol Biogesic, Isuzu, Clear, Creamsilk, Smart at Philippine Airlines. Sa mga type pang humabol ng tiket, puwede kayong tumawag sa 680-1051 (Crossover). At kung hindi naman kayo makabili ngayon, habol na lang kayo sa provincial tours niya sa Abril 30 sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Hotel, Cebu City; sa Mayo 10 sa Corpus Christi Gymnasium, Cagayan de Oro City at sa May 17 sa Clark Expo sa Clark Freeport Zone, Pampanga. Source: Abante |