Mar 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ehra Madrigal nagkasakit sa likod sa laki ng boobs

Ehra Madrigal nagkasakit sa likod sa laki ng boobs

Author: Noel Asiñas
Column: Cut!

PINAGPALA si Ehra Madrigal na magkaroon ng malulusog na dibdib.

Pero, may disadvantage din kay Ehra ang malaking bumper.

Kasi, may tendency maging hukot ang kanyang tindig.

Ani Ehra sa presscon ng Scaregivers: "Nung teenager pa ako, nahihiya ako sa mga kaklase ko na mapansin na malaki ang boobs ko. Kaya hinuhukot ko ang posture ko. Masama pala iyon, nagkakaroon na ako ng back pain ngayon. Kailangan ko ang physical therapist at trainer sa gym para ma-correct ang posture ko. "

Kahit may magandang mukha at katawan ngayon si Ehra, conservative siya pagdating sa pag-ibig.

Alam ba ninyong five years na ang relationship nila ni DJ Mike ng grupong Sabado Nights?

Sabi ni Ehra, nagtatagal sila ni Mike dahil very understanding si lalaki sa kanyang career.

Pero kapag may mga delikadong eksena siyang ga-gawin ay kinukunsulta muna niya si DJ Mike.

Wala namanitong angal sa kanyang pagpapaseksi, kahit pa may kissing scene at bed scene siya sa kanyang mga ginagawang projects.

Nauunawaan ng dyowa ni Ehra na arte lang ang kanyang ginagawa.

Launching movie ang Scaregivers ng comic tandem na sina Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga kung saan isa sa leading ladies si Ehra.

Kasama rin sa cast sina Iza Calzado at Paolo Contis.

* * *

MAGANDANG balita sa mga kalalakihang mahilig bumili ng FHM magazine.

May pagkakataon na kayong mapanood ang tatlong most requested mo-del ng magazine sa "Ba-lakubak" portion ng Nuts Entertainment na mapapanood bukas ng gabi.

Ang tatlo ay naging guest na ng Eat Bulaga last Wednesday sa "Sa Pula at Sa Puti" portion. Ang tatlo ay sina Joyce So, Jacq Yu at Cherry Ann Kubota.

Pawang edukada ang tatlo base sa interview sa kanila sa Eat Bulaga. Sila nga ay nanalo ng cash na more than P300,000 at nadaig ang mga lalaking model.

Sisimulan na ring i-reveal sa "Balakubak" ang bulong questions at sagot ng mga nagiging guest.

Kaya malalaman na natin ang bulong at sagot nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na guests last week.

* * *

MALAKI na ang studio na pinagdarausan ng Takeshi's Castle.

Kaya bago na naman ang kanilang magandang set at tiyak na mas gaganahang maglaro ang local players ng show na pawang GMA7 artists.

Siyempre, ganado rin ang mga host na sina Joey de Leon at Ryan Yllana, bukod sa gumaganda ang kanilang show.

Malayo pang masibak ang show dahil laging mataas ang ratings nito na napapanood tuwing Sabado at Linggo, 11:30 a. m.

* * *

NASA London si Marvin Agustin ngayon.

Business trip daw ito dahil dadalo siya at kanyang partners sa seminar na may titulong, "Food Research and Tasting Festival. "

Bukod sa London, magtutungo rin ang grupo ni Marvin sa Italy, Paris at France para dumalo ng iba pang seminars.

Bukod sa business trip ay magsisilbing bakasyon grande na rin ito para kay Marvin, dahil sa sunud-sunod nitong trabaho mula sa Gaano Kita Kamahal, Dear Friend at LaLola.

* * *

WAGI ang lahat ng na-nonood sa TV5 dahil sa bagong pakulo nito ng Kalog, Ka-load! promo, kung saan mamimigay ang TV5 ng hanggang P5,000 worth ng load kada text sa masuwerteng viewers na naka-tutok sa TV5 araw-araw simula Nov. 17, hanggang Feb. 15, 2009.

Para manalo, abangan lamang ang dalawang keywords na ipapakita sa TV5 kada oras simula 10 a. m. hanggang 10:00 p. m everyday.

Ang unang makakapag-text ng tamang keyword na ipinakita sa TV screen sa loob ng valid time period (every 30 minutes) ang siyang mananalo ng instant load. Bawat oras, dalawang mapalad na texters ang magwawagi!

Maaaring ipadala ang mga sagot via text sa 3456 para sa Smart, Talk n' Txt, and Globe Pre-paid subscribers.

Maaari ring makatanggap ang bawat texter ng ringtone at logo subscriptions kada tamang keyword na ipapadala sa nasabing numero.

Maliban sa hanggang P5,000 cellphone load na mapanalunan araw-araw, maaari ring manalo ang texters ng P5, 000 cash prize sa pagsali sa Kalog, Ka-load Plus! Simula December 15, tatawagan ng isang TV5 host ang masuwerteng subscriber ng Kalog, Ka-load Plus! upang tanungin ng trivia question.

Kapag nasagot ng subscriber ang tanong, win agad siya ng P5K cash prize.

Para makasali sa Kalog, Ka-load Plus! i-text ang "REG NAME/COMPLE-TE ADDRESS/BIRTHDATE/GENDER" at ipa-dala sa 3456.

Source: Taliba