Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ehra at Michelle Madrigal pinababayaan ang ina?

Ehra at Michelle Madrigal pinababayaan ang ina?

Author: Pilipino Star Ngayon
Column: About Showbiz

Si Paolo Contis ang host ng Midnight  DJ  ng TV5, pero wala siya sa grand launching ng network. Ang sabi'y hindi siya pinayagan ng GMA 7 na gawin ang show dahil may  Code­name: Asero siya at host ng World Records, isa sa three new shows na ipapalit sa Kung Ako Ikaw. In fact, sa August 19, magpa-pilot na ang show na solo ng actor.

Anyway, ang latest naming narinig, pinayagan ng Channel 7 si Paolo na gawin ang Midnight DJ, pero hanggang five episodes lang. Bibigyan lang yata ng time ng Siete ang TV5 na makahanap nang ipapalit kay Paolo na mag-host ng show.

Kasama ni Paolo sa Midnight DJ  sina Desiree del Valle at Jenny Miller na madalas sa mga shows ng Channel 7, pero bakit hindi isyu ang pag-oober da bakod nito sa TV5?

By the way, pinagsabay ng GMA 7 ang presscon ngayon ng Ripley's Believe It or Not  na host si Chris Tiu at pilot sa August 18, ang World Records ni Paolo sa 19th, at ang Masquerade nina Ariel & Maverick sa 20th. Ang tatlong shows ang papalit sa Kung Ako Ikaw  na hanggang August 13 na lang.

* * *

Si John Prats na taga-ABS-CBN ang leading man ni Ehra Madrigal na taga-GMA 7 ang magka-pareha sa Loving You  ng Studiomax. Kaya ang tanong sa sexy actress ay paano katrabaho ang taga-kabilang channel?

"Walang naging problema sa amin, first shooting day pa lang, nagkapalagayan na kami ng loob. Mabait si John, inaalalayan niya ako and in fairness, nabuhat niya ako. Nahiya nga ako't malaki ako at voluptuous. Panay ang tanong ko kung okey siya, ayos lang daw," tsika ni Ehra.

Samantala, hindi alam ni Ehra kung saan nanggagaling ang isyung pinababayaan nila ni Michelle Madrigal ang kanilang ina at hindi sinusuportahan. Apektado siya, lalo't hindi totoo at lumalabas na alibugha silang mga anak.

"Hiwa-hiwalay nga ang mga bahay namin, pero hindi namin siya pinababayaan at nagkikita kami every week. Nagkaproblema ang mom ko before, pero ayos na ngayon. Mommy namin siya, hindi namin siya pababayaan," ani Ehra.

* * *

Na-forward sa amin ang message ni Alessandra de Rossi sa pagbabalik niya sa ABS-CBN via Betty La Fea.

Sabi nito: "ABS-CBN's offer is a perfect timing! I am happy of what is happening right now. I'll be forever grateful and thankful to GMA 7 because even if I'm not an exclusive artist of GMA they supported me through the years that I'm with them.

"Why do I say no to La Lola? It's the role. Na-excite ako sa gagawin ko sa ABS. I'll be doing a very special role in Betty La Fea  then after  that, I'll have a soap na isa ako do'n sa mga lead. My spirit is very high right now and I know I'm on the right track!"

Main kontrabida sa La Lola ang in-offer kay Alex na hindi niya tinanggap. Iniwasan na rin nitong makasama si Rhian Ramos at baka maulit ang nangyari sa kanila sa taping ng Luv Pow na hindi na maipapalabas. Ang isa pang kasama sa aborted show na ito, si Valerie Concepcion ay nauna na kay Alex na lumipat sa Channel 2.

May show din pala sa TV5 si Alex, ang Chick-Lit  at per project lang ang kontrata niya rito, kaya libreng natanggap ng manager niyang si Manny Valera ang offer ng ABS-CBN.

Source: The Philippine Star