|
|
| Eksena ni Robin na hubo't hubad, iiksian ng MTRCB?Column: Basta HINDI na binago ng GMA-7 ang kanilang programming at ang Joaquin Bordado ang ipinalit sa Zaido at mapapanood na this Monday, after 24 Oras. Hiningan ng reaction si Robin Padilla sa makakatapat ng kanyang show at ang wish nito'y hindi magka-personalan. Hindi lang bida sa Joaquin Bordado si Robin, siya rin ang fight instructor at 'pag ito ang eksenang kinukunan, si Argel Joseph ang director. Twenty weeks tatakbo ang telefantasya at gusto sanang malaman ng viewers kung anong week ipalalabas ang eksenang tumatakbo nang hubo't hubad ang actor. Marami na ang excited at curious kung ma-i-edit out o iikisian ng MTRCB ang eksena. Marami rin ang excited kay Kylie at sa ipakikita pa nitong husay sa action scenes. Patikim lang daw ang ginawa nito sa presscon at marami pa itong gagawin sa mga darating na episode. Nangako si Robin na hindi siya magiging stage father sa anak, unless may manliligaw dito, na ngayon pa lang, inunahan na ni Robin na hindi pa niya tanggap. Isa pa sa mga itinanong kay Robin ay kung after Joaquin Bordado, babalik na siya sa ABS-CBN? "Bakit naman ako aalis dito sa GMA, 200 percent ang ibinibigay nilang suporta, bakit pa ako aalis? Kung masaya naman ako at magagandang projects ang ibinibigay, walang rason para umalis pa ako rito. "
SAYANG at wala si Kristine Hermosa sa presscon ng My Big Love, ang Star Cinema movie na showing sa February 27. Hinihintay ng press ang actress sa rami ng isyung kinasasangkutan mula kay Oyo Sotto, Diether Ocampo at Ara Mina. Maganda sanang sa kanya mismo marinig kung may conflict ba sa kanila ni Ara sa taping ng Prinsesa ng Banyera? Ang dami kasing kuwento sa set tuwing may taping at isa rito'y ang pagka-insecure diumano ni Kristine sa eksenang nag-two-piece si Ara at pinagbabatukan nito ang male cast na tumanghod sa sexy actress. Kinabukasan, nagdala na raw ito ng two-piece kahit hindi niya kailangan. Ang ganda sanang marinig ang comment ni Kristine sa isyu, pero dahil hindi siya dumating, hindi nalaman ng press ang totoong istorya. Gusto rin sanang alamin ng mga reporter kung okey lang sa kanya ang role niya sa movie na hindi siya ang bida sa ending. * * * HINDI pala totoong bawal magsama sa frame sa SOP sina Dingdong Dantes at Karylle dahil kahapon, magkatabi silang nag-deliver ng spiel. Order daw ito ng management para hindi masira ang loveteam ng actor at ni Marian Rivera sa Marimar. Pero sabi ni Dingdong, madalas silang magsama sa frame ni Karylle, 'di lang napapansin. Sa OJ portion nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs, sinasadya niyang hindi tumabi sa nobya para hindi siya mahampas 'pag natuwa sa kanta ng dalawa. Samantala, mamayang gabi sa Marimar, muntik mahuli si Sergio (Dingdong Dantes) ni Angelika (Katrina Halili) sa paghahanap ng susi ng evidence box. Makikita niyang ginawa itong pendant ni Angelika, kaya magpapatulong siya sa amang si Renato (Richard Gomez) na makuha ang susi. Magsisimula na ring kumilos si Marimar para makaganti kay Angelika, ipapi-freeze nito sa lawyer ang account nito. Lalong magagalit si Angelika at mag-iisip kung paano makagaganti sa kinikilalang kapatid. * * * MAGHAPONG nag-promote last Sunday ang cast ng My Bestfriend's Girlfriend sa pangunguna nina Marian Rivera at Richard Gutierrez. Mula sa SOP, dumiretso sila sa Showbiz Central at sila ang couple na sumalang sa Don't Lie to Me segment, na kinunan sa SM Megamall. Sa SM Megamall ang last mall tour ng cast at doon din ginawa ang premiere night ng Valentine movie na showing sa February 13 at co-produced ng Regal at GMA Films. Sa dalawang sinehan ipinalabas ang pelikula't 'di nagkasya sa isang sinehan sa rami ng gustong makaunang manood. May billboard sina Richard (for Bench) at Marian (for Karimadon) sa labas ng Megamall, pero magkalayo. Mas okey sana kung pinagtabi ang two billboards para promo na rin ng BFGF. Also, may promo ang Hershey's Kisses para sa showing ng movie at sagutin lang kung ilang kissing scenes ang ginawa nina Marian at Richard. May chance manalo ng 25 Hershey's Special Edition Mobile Phones ang tama ang sagot at ang grand prize ay ang Kiss-and-Meet session with Marian. Nagsimula ang promo noong Feb. 4 at tatagal hanggang March 15. Source: People's Tonight |