|
|
| Elizabeth, agaw-eksena ang pagrampa!![]() Author: Jun Nardo MAS bagay nga kay Cristine Reyes ang role niya sa Patient X na tinanggihan ni Heart Evangelista! Swak ang seksing aktres sa movie bilang aswang na ikinulong sa basement ng hospital upang hindi makapaminsala. Marumi kasi ang dating ni Cristine sa movie na napanood namin sa premiere night. May mga eksenang kumakain ng laman ng tao at nakakangarag ang ginawa niya. Parang hindi kakayanin ni Heart ang ganoong eksena considering na sosyal ang dating niya, huh! Pero huwag ka, si Cristine nu'ng premiere sa SM Manila, itinodo ang kaseksihan dahil nga wala siyang eksenang makikita ang alindog niya sa movie! Sinapawan niya ang sister niyang si Ara Mina sa kaseksihan, huh! 'Yun nga lang, nagtaka kami sa audience na kilig na kilig kina Chard at Cristine kahit magdikit lang ang mga mukha nila. Sa movie, nabigyan ng malaking break si Elvis Gutierrez na older brother ni Chard. At least, pansin ang mukha niya sa kanyang eksena kahit madidilim, hindi gaya ni Dion Ignacio na may prosthetics kaya hinulaan lang naming siya ang dabarkads na aswang ng kuya ni Richard. Nagkaroon na rin ng depth si Chard sa acting pero hindi ang Patient X ang magbibigay sa kanya ng acting trophy. Ang nakatutuwa sa premiere, todo pa rin ang suporta kay Richard ng kanyang pamilya. Present siyempre ang parents niyang si Eddie Gutierrez at Annabelle Rama at kapatid na sina Ruffa at Raymond, plus Elvis. Maraming fans ang dumagsa sa SM Manila na panay ang tilian kapag nakakatakot na ang eksena! Tungkol naman sa direksyon ni Yam Laranas na pawang Hollywood director churvah ang sinasabi sa kanya, magkuwentuhan na lang tayo sa tamang oras at panahon! Ha! Ha! Ha! Nag-donate ang Bench Foundation through Suyen Corporation ng P1M sa Red Cross at ginawa ang pagbigay ng amount sa fashion show ng Bench, Human at Kashieca sa SM Mall of Asia nu'ng Sunday. Tinanggap naman ni Lucy Torres Gomez in behalf ng Red Cross ang halaga. Dinagsa ng publiko ang fashion show na nirampahan din nina Richard Gomez and kid, Juliana, Lucy, Kim Chiu, Gerald Anderson, Kris Bernal, Aljur Abrenica, Enchong Dee, Coco Martin, Jake Cuenca, basketeer na si Paul Lee, Angelica Panganiban, Ejay Falcon, JC de Vera, Ryan Yllana at iba pang artista at models ng Bench. Maging si Elizabeth Ramsey, rumampa rin kaya kuwelang-kuwela siya sa crowd! Sa totoo lang, agaw-eksena ang pagrampa ni Elizabeth, ha! Maging ang matatabang artistang models ng Bench, go rin sa fashion show at mga artistang malalaki ang pata, huh! Present ang presidentiable na si Sen. Manny Villar sa opening ng Villar Kapamilya Cup na ginawa sa Trade Hall ng Star Mall sa Mandaluyong. Dinaluhan din 'yon nina TJ Manotoc at Jayson Gainza at billiard champs na sina Efren Bata Reyes at Django Bustamante. Sa okasyong 'yon, hindi maiwasang matanong ang senador kung sino ang napupusuan niyang vice president. Kahit pabiro niyang sinabi na, “Basta, tiyak ang gender niya! Ha! Ha! Ha!”, makabuluhan 'yon dahil mukhang may lihim na nalalaman ang senador sa sexual preference ng ilang kandidato. Ano 'to? May invasion na ng third sex sa national politics? Quiet lang ang komedyanteng si Phillip Lazaro sa kumakalat na dahilan ng pagkawala ni Sunshine Dizon sa GMA series na Tinik Sa Dibdib. Siyempre, madalas kasama ni Phi ang aktres sa mga eksena kaya more or less, may naririnig din siyang mga tsimis sa aktres. Anyway, looking forward din si Phillip kay Nadine Samonte na kapalit ni Sunshine pati na rin sa role niya sa Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista. Nasa cast din ng Shake, Rattle & Roll XI ang komedyante na kapag nagdadamit ngayon ay nakaka-artista na, huh! Source: Abante |