Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Ely Buendia muntik ma-heart attack sa pagkamatay ni Francis M.

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

FIRST time na dumalaw si Ely Buendia sa burol ni Francis Magalona noong Lunes ng gabi.

Kaagad siyang sinalubong ni Pia Arroyo at inimbitahang sumama sa paglagay ng ashes ni Kiko sa Loyola Memorial Park ngayong umaga.

Umoo naman kaagad si Ely pero nag-beg-off siya sa isang tribute show na ibibigay para kay Kiko this Sunday (March 15) dahil may previous commitment na siya.

Late Friday afternoon niya nalaman ang pagpanaw ng kaibigan.

"Kagigising ko lang noon and we're supposed to have a soundcheck that afternoon para sa The Last Set reunion concert ng Eheads sa D Fort grounds. A friend called me up to inform me that Francis died. I was shocked. Parang hindi ako makapaniwala na wala na siya. It's a good thing I didn't have a heart attack kasi nakakabigla rin ang news," kuwento ni Ely.

Napansin namin na may bitbit na plastic bag si Ely na naglalaman ng binili ni-yang t-shirt ni Francis na may tatak na "One Love. "

Bilib din daw kasi siya kay Kiko, not only as a musician, but also as an artist.

Ipinangako niya sa lahat ng fans ni Francis na ilalabas nila ni Pia soon ang collaboration album nila na The Sickos Project.

So far daw ay nakapag-record sila ni Francis ng three songs.

May mga materyal pa raw na naiwan si Kiko na puwede niyang i-record with his band Pupil.

Abangan daw ito sa ilalim ng Sony BMG Records.

* * *

NOONG Lunes ng gabi rin pumunta sina Dingdong Dantes at Marian Rivera to pay their last respects to the master rapper.

Parehong nakaputi sina Dong at Marian at nag-stay rin sila ng isang oras sa burol.

Unfortunately, hindi nila nakasama si Francis sa isang project pero pareho nilang nakasama si Kiko sa US Tour ng Eat Bulaga noon.

Sabay na umalis ang da-lawa sa burol at sa isang car din sila sumakay, isang black F150 van!

Marami tuloy ang nag-speculate na nasa burol ni Kiko na silang dalawa na nga ngayon!

* * *

PAGKATAPOS naming dumaan sa burol ni Francis ay humabol kami sa birthday party ni JC de Vera sa Barrakz bar kung saan isa siya sa may-ari kasama sina Dennis Trillo, Katrina Halili at iba pa.

Past 12 midnight na nang nakarating kami at wala na kaming naabutan na reporters.

Kaya naman mukhang relax na relax na ang birthday celebrant habang nakapulupot ang kanyang mga kamay sa may baywang ni Rhian Ramos.

Aba, mukhang sila na nga ngayon at kinumpirma pa ito ni JC sa amin sa pagsa-bing si Rhian ang "special girl" sa buhay niya ngayon.

Isang white na Bose speakers para sa iPod ang birthday gift sa kanya ni Rhian at ibinulong pa niyang may matching white Bose speakers din si Rhian para sa iPod naman nito.

Masayang-masaya si JC kasi naresolba na rin finally ang problema niya sa GMA ng hapong 'yun.

He is staying with GMA na siya namang gusto niya talaga.

At tinanggap na raw ni Tita Annabelle Rama ang SineNovela na Ngayon At Kailanman para sa kanilang dalawa ni Heart Evangelista.

No wonder party-to-death si JC ng gabing 'yun.

Nakita rin naming na nakikipagsaya kay JC ng gabing 'yun sina Heart, Iya Villania, Raymond Gutierrez, Paolo Paraiso at Bubbles Paraiso.

Super sayaw ang lahat sa dance floor.

At pinakitaan pa ni JC si Rhian ng kanyang famous na giling na ginawa niya noon sa isang episode ng Obra. Super-yakap din ang dalawa.

Happy birthday JC!

Source: Taliba