Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

E-mail brigade ng Dingdong-Marian fans, dinedma ng Siyete

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

TINANONG si Dingdong Dantes kung sino ang gusto niyang maging leading man ni Marian Rivera sa Darna o Narda at madiing "wala" ang isinagot nito.

Hindi rin ito nag-comment sa nabalitang si Mark Herras ang ipapareha kay Marian sa bago nitong show.

Balak daw ng GMA-7 na bilhin ang rights ng kantang Narda ng Kamikazee para gawing theme song o kung 'di man, gamitin sa series.

Doble ang lungkot ng fans nina Marian at Dingdong dahil magtatapos na today ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at last project muna ito ng dalawa, next year na pagtatambalin uli.

Walang nangyari sa e-mail brigade ng kanilang fans sa Channel 7 dahil nakapag-decide na ang network na paghiwalayin muna sila at ibalik sa isang mas matinding series.

* * *

SA re-launching ng Philosophy by Mikaela, pormal na ipakikilala ni Mikaela Bilbao sina BB Gandanghari, Nadia Montenegro at isang sikat na actor.

Si BB ang magiging endorser ng Laser Hair Removal at si Nadia ang endorser ng Advanced Ultra Slim, non-invasive slimming treatment.

Noong April 29, sinimulan na ni Mikaela ang pagpapayat kay Nadia at 10 sessions aabutin ang pag-aalis ng 60 lbs. sa timbang nito.

Tiniyak din nitong after ng Laser Hair Removal kay BB, hindi na ito gagamit ng tiyani para alisin ang balbas, armpit at chest hairs.

Ang Thailand ang gustong kumpitensyahin ni Mikaela at hindi ang Belo Medical Clinic at Calayan Surgicenter.

Dahil Catholic, hindi raw siya gagawa ng sex change operation. Payag si Mikaela na i-feature sa Maalaala Mo Kaya ang buhay niya, pero kulang daw ang isang episode sa sobrang colorful ng buhay niya.

* * *

SHOWING sa May 13 ang controversial movie ng DMV Entertainment na Heavenly Touch na tungkol sa buhay ng mga nagtatrabaho sa spa/massage parlor.

Sa direction ni Joel Lamangan at script ni Eric Ramos ang pelikulang pinagbibidahan nina Paolo Serrano, Gwen Garci, Marco Morales at introducing si Joash Balejado.

May frontal nudity sina Paolo at Joash at 'di rin patatalo si Marco, kilalang "Frontal Nudity King. " Kaiinggitan ng mga bading at girlash si Gwen dahil tatlong hunks ang kanyang kasama.

Nag-aral ng tamang pagmamasahe sina Joash at Paolo para maging realistic at well-executed ang kanilang mga eksena.

Nagbiro ang dalawa na after this movie, puwede na silang pumasok na masahista.

* * *

MAG-IPON na ang mga gustong manood sa concert nina David Cook at David Archuleta sa May 16 sa Mall of Asia concert grounds dahil may kamahalan ang tiket.

Ticket prices are Titanium-P12,426, Platinum-P6,215, VIP-P3,625, Gold-P2,075, Silver-P625 at Bronze-P315.

Aasa na lang kami sa complimentary ticket from Fearless Productions. Paging, Jomari Yllana!

Sana makapag-guest ang dalawang David sa SOP para magkita sina Archuleta at Regine Velasquez.

Nabanggit kasi ni Archuleta na naririnig niya ang pangalan ni Regine na magaling na singer from the Philippines.

* * *

NGAYONG Biyernes sa All About Eve, ikukuwento ni Erika (Sunshine Dizon) ang buhay niya kay Katrina (Jean Garcia) at magugulat dahil may kaibigang Armando Reyes si Katrina.

Masisira ang romantic dinner nina Nicole (Iza Calzado) at Kenneth (Mark Anthony Fernandez) nang dumating si Warren (Alfred Vargas) na lasing at ibinalita kay Nicole na break na sila ni Erika.

Na-disappoint si Erika nang tawagan ni Kenneth para lang sabihing naglasing si Warren. Pagseselosan ng binata ang pagmamalasakit ni Nicole kay Warren.

Source: People's Tonight