Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Endorsements ni Marian, dumami

Author: Nitz Miralles

SA presscon invite pa lang ng Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang, daring na dahil hubad sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na magkatabi sa kama at sa other face ng invite, ipinapakita ang magkapatong na paa ng babae at lalaki.

Sabagay, nabanggit noon pa na more daring ang bagong soap ng dalawa at pilot week pa lang, may bed scene at sa mga susunod na episodes, may mga kissing scene.

Kung last team-up nila ito pansamantala, susulitin ng GMA-7 at titiyaking matagal makalimutan ng viewers.

Incidentally, thankful si Marian na kahit sunud-sunod ang nega write-ups sa kanya'y wala pa ring nagwi-withdraw sa endorsements niya at ang 24 endorsements ay naging 26 pa.

Nag-renew ang karamihan ng kanyang endorsements at muli siyang kinuha ng Fit 'n Right at sa January 31 at February 8, ilo-launch ang bagong TVC ng Maxi-Peel at Natasha.

Kagabi ang presscon ng Ang Babaing Hinugot..., and hopefully, ipinaalam na ang time slot nito para abangan ng viewers at ng kanilang fans.

Source: People's Tonight