Nov 21
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Entertainment press nabaliw sa kagandahan at kaseksihan ni Cristine

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

IISA ang naging reaction ng mga press na dumalo sa premiere night ng Patient X sa Cinema 4 ng SM Manila nang dumating si Cristine Reyes.

Grabe ang ganda at kinis ng kutis ngayon ni Cristine. Nakababaliw sa ganda at kaseksihan ngayon si Cristine. Sa magkabilang gilid ng suot ni Cristine ay may malaking cut kaya halos lumuwa na ang malulusog nitong boobs.

Agaw eksena si Cristine at maging ang co-stars at mga bisitang celebrity ay nagulat sa kanyang very revealing outfit

In full force na duma-ting ang Gutierrez family with Royal Era talents Michelle Madrigal at Bubbles Paraiso. Dumating din ang buong production staff ng GMA Films sa pangu-nguna ni Annette Gozon-Abrogar, Joey Abacan and Elaine kasama ang staff ng Viva Films at RGutz Production.

Mistulang foreign horror movie ang Patient X na world class ang dating. Mula umpisa hanggang sa katapusan ay punumpuno ng suspense at action. Nagkaisa ang lahat ng press people na nakapanood ng movie na best Richard Gutierrez performance ito.

Napiga ni Direk Yam Laranas ang natatagong acting talent ni Chard na possible ma-nominate bilang best actor sa award giving bodies.

* * *

DUMAGSA ang mga tao sa Atrium Center ng MOA sa ginanap na Bench Fashion Show Week kung saan rumampa ang mga Kapuso at Kapamilya stars sa pa-ngunguna ng pamilya ni Richard Gomez with daughter at wife Lucy Torres.

Rumampa rin ang hottest love team ng Dos na sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Sigawan at hiyawan ang mga to nang lumabas sina Dingdong Dantes, Coco Martin, JC de Vera, Aljur Abrenica at Jake Cuenca. Anyway, dismayado ang mga entertainment press people pagkatapos ng show. Karamihan ay nagtawanan na lang at 'yong iba ay nagkasya na lang sa kung anuman 'yong nangya-ri sa kanila sa event na 'yon. * * *

MASAYA ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde dahil napagsama nila for the first time sa isang pelikula sina Sharon Cuneta at Kris Aquino sa Mano Po 6 entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival '09.

Tinanggap ni Kris ang role kahit maiksi lang dahil sa pagmamahal niya kay Mother Lily at pagtanaw na rin ng utang na loob kina Sharon at Kiko Pangilinan nang magsakripisyo ang huli para umatras sa pagtakbong Vice-President sa 2010 elections, sa halip ay susuporta na lang daw sila kay Noy-noy.

Graceful naman si Megastar Sharon sa pagsama ni Kris sa movie dahil lalo pang lumakas at lumaki ang casting ng naturang movie.

Ikinatuwa naman ni Kris ang naging gesture ni Megastar at nangako na all-out siyang tutulong sa pagpu-promote ng Mano Po 6.

So far, itinuturing na pinakamagastos at pinakabongga ang MP6 sa lahat ng Mano Po series na ginawa dahil sinamahan din ito ng seasoned actors na sina Boots Anson Roa, Zsa Zsa Padilla, Christopher de Leon, at young performers na tulad nina Ciara Sotto, Dennis Trillo, Heart Evangelista, atbp.

* * *

AYAW nang patulan ng Team Pac-quiao ang intri gang si Krista Ranillo raw ngayon ang 'apple of the eye' ng boxing champ.

Maging si Manny ay na-tatawa at hindi na lang ito pi-napansin dahil 'di naman to-too, at kung sakaling magkita sila ni Krista ay walang problema dahil isa rin itong artista na kasamahan ng mga kaibigan at co-star niya sa Show Me Da Manny na si-na Marian Rivera, Lovi Poe, Tuesday Vargas, Paolo Contis, Onyok Velasco, Benjie Paras atbp na napapanood every Sunday sa GMA7.

Speaking of sitcom ni Pacman SMDM, nag-enjoy ang cast at guest na sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada at Phillip Salvador na ipinalabas last Sunday dahil bulgaran ng sekreto ang naging istorya ng sitcom.

Pare-pa-rehong kalog ang guests at maging ang lead star na si Manny, na kahit anong busy, ay sini-guro na walang magi- ging aberya sa sitcom habang siya ay nagi-ensayo sa laban kay Miguel Cotto. Sinisiguro ni Pacman na sapat ang advanced taping ni-ya sa sitcom.

Sa taping ng SMDM ay kapansin-pansin ang kasiyahan ni Paolo dahil magiging tatay na siya. Finally kasi ay inamin na nila ni Lian Paz ng EB Babes na buntis ito ng apat na buwan at si Paolo ang ama ng sanggol.

* * *

SA Thursday (Oct. 29) na gaganapin ang 1st Star Award for Music sa Skydome, SM North EDSA at 5 pm.

Gaganapin naman sa Nov. 29, Sunday at 6 pm ang 23rd PMPC Star Award for TV sa Pagcor Grand Thea-ter, Parañaque City na produce ng VIPAccess Media Production at ididirek ni Eric Salud.

Balita namin ay suma-got na sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual para maging hosts sa Gabi ng Parangal ng PMPC Star Awards for TV.

Ipagkakaloob ng sama-han ang Hall of Fame sa na-ngungunang variety show na Eat Bulaga, at si Johnny Manahan naman ang tatanggap ng Ading Fernando LifetimeAward.

Ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob kay Vice-President No-li de Castro.

Source: Taliba