Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Erap, Ai-Ai at Toni, iniyakan si Kulot

Author: Ian F. Farinas

KUNG paniniwalaan ang bali-balita, ngayong araw sasabihin ni Sen. Noynoy Aquino ang desisyon kung tatanggapin o hindi ang hamon na tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2010 elections.

Ang sabi, itataon ni Sen. Noynoy ang anunsiyo sa selebrasyon ng 40 days ng inang si dating Pangulong Cory Aquino.

Anuman ang maging desisyon ng senador, todo suporta sa kanya ang miyembro ng APO Hiking Society na sina Jim Paredes, Danny Javier at Buboy Garovillo.

Katunayan, isa ito sa mga napag-usapan sa presscon ng kanilang 40th anniversary concert, Apo Kayang-Kaya Pa, na naka-schedule sa Skydome ng SM North EDSA sa September 25 at 26.

Sa pakikipag-usap kay Buboy, ramdam na ramdam ng press ang kanyang pagkabilib sa nakatatandang kapatid ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Gaya ni Jim, sa tingin ni Buboy, si Sen. Noynoy lang ang bukod-tanging makapag-u-unite sa oposisyon.

Needless to say, abang na abang na rin ang APO members sa kung ano ang kinahinatnan ng pagre-retreat ng senador nu'ng nakaraang linggo.

Anyway, sa nasabi ring presscon, binalikan ni Buboy ang mahaba pero makulay na istorya ng kanilang grupo.

Gaya ng alam na ng nakararami, 1969 sila nabuo bilang singing group sa Ateneo de Manila University. Matapos mag-graduate nu'ng 1973, gumawa sila ng farewell concert dahil kailangan na raw nilang maghiwa-hiwalay.

Si Jim, may study grant sa Turkey, si Danny, may alok na trabaho sa Channel 13 sales/marketing department, si Buboy, uuwi ng Negros para tumulong sa family-owned "hacienda" at ang ikaapat na miyembro, si Lito, magtatrabaho sa advertising company ng ama.

Pero bago ito, inalok silang mag-taping para sa TV show ng Channel 11 na Okay Lang kasama sina Tito, Vic at Val Sotto, Joey de Leon at Ricky Manalo.

Ang hindi nila akalain, ito rin ang magiging daan para muli silang mabuo nina Jim at Danny.

Hindi raw nila plinano na gawing karera ang pagkanta until i-record nila ang hit song na Ewan.

"Ever since that time, tuluy-tuloy na kami," pagbabalik-tanaw pa ni Buboy.

Ngayon, sangkaterba na ang hits ng APO at ilan nga sa mga ito, gaya ng Yakap sa Dilim, Pumapatak ang Ulan, Panalangin, atbp. ay muling mapakikinggan sa two-night Apo Kayang-Kaya Pa concert series na hatid ng Viva Concerts & Events.

Ang show ay sponsored ng People's Journal, Philippine Star, Manila Bulletin, Business World, PBO, Viva Prime at Viva Cinema.

* * *

NAKATSIKA rin ng showbiz press ang In My Life director na si Olive Lamasan kahapon at ibinahagi niya na maging ang mga artista ng Ang Tanging Pamilya movie ng Star Cinema na sina dating Pangulong Joseph Estrada, Ai-Ai de las Alas at Toni Gonzaga, iniyakan ang pagkamatay ng crew member na si "Kulot" sa lumubog na Super Ferry 9.

"Si Kulot, laging nasa set ko. He's assigned sa promo, so, lagi siyang kumukuha ng behind-the-scene shots. The last time I saw Kulot was before he left for GenSan.

"Sabi ko pa nga sa kanya, 'bakit ka nandiyan, tabi-tabi ka, may kukunan ako riyan. ' Nakikipagbiruan pa ako. Kung alam ko lang na last meeting na pala namin 'yon, dapat sana niyakap ko na siya.

"These things, it makes you appreciate your co-workers. It makes you appreciate life more, sa isang iglap lang kasi, puwedeng mawala. Ang lungkot naman. Kasi ito, tinitext ako, 'yung katawan daw ni Kulot, parating na, 5 p. m. "

Kuwento pa ni Direk Olive, ang Star Cinema unit head na si Alvin Despa, na kasama sa crew na dumayo sa GenSan para kunan ang mga eksenang kasama si Aling Dionisia Pacquiao, ang tumawag sa Star Cinema exec na si Tess Fuentes para sabihing may nangyayaring kaguluhan sa barko.

"Si Tess called ABS-CBN news department and the news department alerted Coast Guard, kaya maraming naligtas," pagri-reveal pa ng lady director.

Source: People's Tonight