|
|
| Erap, naintriga sa boobs ni Ai Ai!![]() Author: Jun Nardo KAPANSIN-PANSIN ang malulusog na dibdib ni Ai Ai delas Alas sa presscon ng concert na Face To Phase...Of Love, Life, Laughter & Beauty, kung saan ka-back to back niya si Gov. Jade Ecleo ng Dinagat islands. “Walang nabago riyan! Ewan ko ba kung bakit lumalaki! Wala namang humahawak! Joke! Ha! Ha! Ha!” nagbibirong sabi ni Ai Ai. Natawa na lang si Gov. Jade sa pagpapakuwela ni Ai Ai sa presscon na siyang dahilan kung bakit niya kinuha ang Comedy Concert Queen sa concert nilang gagawin sa Aliw Theater sa September 12. “Maghuhubad ako at paghuhubarin ko sa show ni Governor! Ha! Ha! Ha! “Joke lang! Pero, honored akong makasama si Gov. para maiba naman. Sing and dance kasi ang byuti niya and besides, dahil sa isang kaibigan kaya hindi ko matanggihan ang project. Tutal, for a cause din 'yon, kaya join ang byuti ko!” pahayag pa ng komedyana. Anyway, matapos ang presscon, mas kabaliw-baliw ang pahayag ni Ai Ai lalo na sa kapareha niyang si dating President Joseph Estrada na naintriga rin pala sa boobs niya nu'ng magsyuting sila! “Ano ka ba, nu'ng first day ng shooting namin, pagdating niya, 'May bra ka ba?' ang agad niyang unang tinanong! Ha! Ha! Ha! “Sabi ko, 'Oo, Papa! Ipinakita ko pa nga ang bra ko sa kanya! Ha! Ha! Ha!” natatawang kuwento ni Ai Ai. Ano ang reaksyon niya? “Tawa siya nang tawa! Sabi ko, 'Bakit 'yun ang una mong tanong, Pa?' Tapos, nu'ng mine-make up-an ako, sinita na naman ako! Sabi, 'Bakit ngayon ka lang nagpapa-make up? Late ka, 'no?' Ha! Ha! Ha! “Magbintang ka nga, Pa!' Sabi ko, kanina pa ako dito. Kumain na ako. Tsumika na ako. Tsumika lang ako kaya hindi pa ako nagpapa-make up! “Sweet 'yon sa akin. Minsan, nang dalhan ko siya ng food, kinabukasan, dalawang pabango ang binigay niya sa akin. Spoiled ako doon. Nang magpa-thank you sa binigay niya, sabi sa akin, Baka bigyan siya ng bahay? “Well...Hindi pa tayo sure! Ha! Ha! Ha!” tumatawang reaksiyon ni Ai Ai. Sa six days na shooting nila, ano ang nadiskubre niya sa dating presidente? “Mabait siya kaya lang, gusto niya, pag maaga siya, shoot agad,” sey ni Ai Ai. Eh, 'yung mga taong katrabaho niya, ano ang nararamdaman? Abangan niyo sa mga susunod na kolum namin ang iba pang mga kuwento ni Ai Ai tungkol kay dating Pangulong Erap. Pero bago `yon, ang concert muna ni Ai Ai with Gov. Jade ang aasikasuhin niya. Bukod sa kanila, guests din sina Dingdong Avanzado, Erik Santos, Bayani Fernando at Hotlegs. Ang kikitain nito ay para sa JEV Foundation at available sa Ticketnet at Ticketworld ang tickets. Source: Abante |