|
|
| Erap, parating nasa-shock kay Ai Ai!![]() Author: Jun Nardo HINDI itinanggi ni Ai Ai delas Alas na natakot siya nu'ng una kay dating Pangulong Erap Estrada. “Oo naman! Pinagpapawisan ako dati nu'ng magkatabi kami! Natatakot ako. Pero, idinaan ko na lang sa paglalambing sa kanya `yung takot ko, at natutuwa naman siya sa akin. Nilalambing ko na lang parati!” kuwento ni Ai Ai. Hindi ba na-sya-shock si Erap sa kanya? “Nasa-shock! Parati siyang nasa-shock. Iba ang humor ko at 'yung panloloko ko. Minsan, nang tanungin ko kung bakit siya may wrist band, sabi niya, 'Alam mo, lahat ng sinasagot ko tungkol diyan, kailangan, may nangyayari sa amin!' Sabi ko, 'O, halika na!' Ha! Ha! Ha! “Hindi niya nakayanan. Umiiling-uling!” bulalas na kuwento pa rin ni Ai Ai. Mabuti naman at hindi siya kinukuha na mangampanya sa darating na eleksiyon? “Walang politics! Even sa interviews ko, about politics, tungkol sa kanya, hindi ako sumasagot. Ginawa ko ito bilang artista na gusto ko siyang makasama. Isa siyang classic na artista. Isa na lang siya sa natitirang King ng Philippine Movies. Sila na lang ni Dolphy. Matagal na ito. Kumbaga, nandoon pa siya sa loob gusto na niya akong makasama sa pelikula. Napapanood niya kasi ang Ang Tanging Ina,” sagot ni Ai Ai. Wala pang final title ang movie nina Erap at Ai Ai. Ang Tanging Pamilya ay tentative pa lang daw. Nasa cast din sina Toni Gonzaga, Sam Milby at Aling Dionisia Pacquiao. Source: Abante |