Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Erap-Ai Ai movie, ligtas sa lumubog na SuperFerry 9!

Erap-Ai Ai movie, ligtas sa lumubog na SuperFerry 9!

Author: Abante

HINDI kasamang lumubog ng Superferry 9 sa Zamboanga peninsula ang mga kinunang eksena para sa pelikula (Ang Tanging Pamilya) nina dating Pangulong Joseph Estrada at Ai Ai delas Alas sa General Santos City.

Ito ang paglilinaw ng Star Cinema matapos na maiulat na kasamang lumubog ng Superferry 9 ang mga nakunang eksena sa Zamboanga del Norte kamakalawa ng madaling-araw.

Sa isang panayam, sinabi ni Alvin Despa, unit head ng Star Cinema crew na sumakay rin sa lumubog na barko, at isa sa mga survivors, na ang mga kinunang eksena sa GenSan ay na-save dahil dinala umano ang mga ito sa Maynila sa pamamagitan ng eroplano.

Ayon kay Despa, ang mga lumubog ay ang mga dala nilang equipments tulad ng camera, props at generators.

Bagama't nailigtas ang mga footages na kinunan sa GenSan, marami naman umanong gamit ang lumubog dahil punung-puno ang kanilang dalang mga sasakyan.

Sinabi rin ni Despa na hindi na mahalaga ang mga nawalang bagay dahil maliban sa insured mga `yon ay mas importante pa rin naman ang kanilang buhay.

Ikinalungkot ni Despa na isa sa mga kasamahan niyang si Ronie Estrada ang hindi pinalad na mabuhay.

Malaki umano ang naging kontribusyon nito sa pelikula, kung saan bilang background ca­meraman ay ito ang nasa likod ng mga vi­deos ng interview nina Toni Gonzaga at iba pang artista na ipinalabas sa mga talk show ng ABS- CBN.

Source: Abante