|
|
| Erich bagong magsusuot ng Magic Kamison ni Mother LilyAuthor: John Fontanilla ANG young star na si Erich Gonzales na raw ang bagong magsusuot ng Magic Kamison ni Mother Lily, na isi-nuot na rin ng mga artistang sumikat sa bakuran ng Regal Films like Dina Bonne-vie (Katorse ) at Snooky Serna (Bata Pa Si Sabel ) noong kanilang kabataan. Balita kasing si Erich ang napipisil na gumawa ng remake ng hit movie ni Dina Bonnevie na Katorse kung saan unang nagpaka-daring si Dina. At kung saka-sakaling ipahihiram ni Mother Lily ang kanyang Magic Kamison, pihadong walang min-tis na mas kikinang nang husto ang career ni Erich tulad ng mga naunang nagsuot nito. Pihadong maraming mag-aabang nito dahil hitik na hitik sa sexy scene ang original na Katorse na dapat higitan ng TV remake nito. Ang tanong mapapayag kaya ng ABS-CBN na mag-super sexy sa Katorse si Erich na napakahinhin at konserbatibo? Well 'yan ang ating aabangan. * * * MASAYANG ibinalita ng GMAAC star at isa sa cast ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na si Paolo Paraiso na nasa Boracay para sa Goma Cup, na nagsilang na through normal delivery ang kanyang asawang si Mylene Dizon ng isang bouncing baby boy na pinangalanan nilang Lucas Miguel na ngayon ay nasa Chicago, USA. Nine months daw nilang hinintay kung babae o lalaki ang kanilang magiging second baby dahil kahit nagpa-utrasound si Mylene ay hindi nila inalam sa doctor kung babae ba ito o lalaki, para raw big surprise sa kanila paglabas ng bata at doon lang nila malalaman kung babae o lalaki. Last time na nakausap namin si Paolo ay babae ang gusto nitong maging second baby dahil sobrang sweet daw ang baby girl ayon na rin sa nakikita niya sa mga kaibigan niya na may anak na babae. "Nakita ko sa mga kaibigan ko, iba 'pag babae 'yung anak mo, sweet, mahilig yumakap at iba pag tumatawag ng daddy. " Pero okey na rin daw kung lalaki dahil iba raw kasi ang sakit ng ulo 'pag babae ang magiging baby niya kumpara sa lalaki. Pero kahit ano naman daw ay okey kay Paolo as long as healthy ang kanilang baby. "Okey na rin pag lalaki, kasi mamaya 'pag babae tapos alam mo na ma-inlove at kung anuman ang mangyari ay baka makapatay lang ako, hahaha! 'Di tulad ng lalaki na ang iisipin mo lang baka na pa trouble o nadisgrasya sa sports. " At sa pagdating ni Lucas Miguel sa kanilang buhay ay sobra-sobrang kasiyahan daw ang dulot nito sa kanila ni Mylene na mas okey na ang kanilang relasyon as good friends and parents to their two kids. After daw ng Goma Cup ay pupunta kaagad si Paolo sa Amerika to his newborn baby at susunduin na rin ang mga ito para bumalik ng Pilipinas 'pag okey nang ibiyahe ang bata. * * * GAANO kaya katotoo ang aming nasagap na balita na nagpaplano na daw magpakasal ang isa sa may pinakamagandang mukha sa Sexbomb na si Johlan at ang nobyo nitong young actor na produkto ng Mr. Pogi ng Eat Bulaga na si Edgar Allan Guzman, kaya naman may joint business na ang mga ito para sa pagha-handa sa kanilang future. Balita nga namin ay isang babuyan at palayan ang ne-gosyo ng dalawa na mata-tagpuan sa Bacon, Bicol Sorsogon. Hindi raw taga-Bicol ang dalawa pero nagustuhan nila ang ganda ng nasabing lugar nang mag-Holy Week kamakailan. Kaya naman daw nag- usap at napagkasunduan ng mga itong doon magkaroon ng negosyo at ang asawa ng tito ni Edgar ang mamamahala kung saka-sakaling maging busy siya sa kani-kanilang career. Hati daw sila o 50/50 ang sharing sa puhunan ang da-lawa sa nasabing negosyo at ang kikitain ay diretso sa kanilang joint account para na rin daw hangga't bata pa ay magkaroon na sila ng savings at sariling negosyo. Wala pa naman daw exact date ang planong pagpapakasal ng dalawa, kasi nga mas inaatupag muna ng mga ito ang pagpapalago ng kanilang negosyo bago ang pagpapakasal. * * * PROMISE ng TV5 ang sandamakmak na hot events and activities ngayong summer kaya naman sisimulan na kaagad ang pagshe-shake it sa tag-init sa pagdating ng second wave ng bonggang-bonggang TV5 LIVE Caravan. After the successful primer last January, sa May 1 (Friday) na magpapa-hot summer party ang pangalawang LIVE Caravan sa SM Mall of Asia Music Hall, mula 10 a. m. hanggang 12 midnight. Inaanyayahan ang lahat na maki-shake and witness hot performances from TV5 celebrities, live tapings ng paborito niyong TV5 shows, Talentadong Pinoy exhibitions and auditions, at cool music jamming kasama ang Moonstar 88 at Parokya ni Edgar. Admission is free. Kung papremyo at mga palaro rin lang pag-uusapan, maka-kapagbabad kayo sa fun booths at activity stalls kaya sure na mae-enjoy ng lahat ang daylong event. Enjoy and experience TV5 LIVE sa second shaking wave at watch out lang kayo sa napakarami pang summer activities ng TV5 tulad ng Hirit Sa Tag-init! beach party sa Puerto Galera on May 9, kasunod ng pagyanig at pagpapasabog ng summer saya ng TV5 LIVE Caravan. * * * Sa contract signing at press launch ng The Bar, pinakabagong alcohol beverage na mabibili sa merkado at ang endorsers ay sina Angelika Panganiban at Jake Cuenca, inamin ni Jake na umiinom siya every weekend para makapag-relax pero hindi nangangahulugan na magpapakalasing siya. Sinabi naman ni Angelika na hard drinker siya at mas gustong inumin ang vodka kaysa sa ibang alcholic drink. Pero kontrolado nito ang pag-inom ng alak dahil ina-alagaan nito ang kanyang imahe at ayaw makita ng mga tao na siya'y nagpapakalasing. Source: Taliba |