Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Erich bigay na bigay sa kissing at bed scenes kay EJay

Author: John Fontanilla
Column: Intriga

Mapapanood na sa June 8 sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang inaabangan ng lahat na Katorse.

Ito ay pinagbidahan ni Dina Bonnevie noong dekada 80 at ngayon ay bibigyang-buhay sa tele-bisyon ng isa sa mani-ningning na artista ng Dos na si Erich Gonzales.

Kasama rin sa cast sina Xian Lim at Ejay Falcon na lalabas bilang makabagong Alfie Anido at Gabby Concepcion.

Tsika ng aming source na bigay-todo daw dito si Erich na talaga namang walang reklamo sa sandamakmak na kissing scene at bedscene with Ejay.

"Alam po naman natin na matagal-tagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito. Kaya I feel so blessed na pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN na maging lead star ng Katorse.

"Para sa akin, as long as kailangan ng eksena at para sa ikagaganda ng soap namin okey lang po sa akin ang kissing scene at bed scene. At kahit pagpapakita ng konting skin ay gagawin ko," say ng aktres.

Wish daw ni Erich na sana ay suportahan siya ng kanyang avid fans at ng iba pang mahihilig sa soap, dahil maganda daw at pihadong mag-e-enjoy ang mga manonood sa 2009 version ng Katorse.

* * *

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang nanalong 2009 Best New Movie Actor Of The Year na si Sherwin Ordones para sa kauna-u-nahan niyang pinagbidahang pelikula na Kurap.

"Ito bale ang first nomination ko, first movie ko at first award ko for ten years na pagiging artista ko, kaya speechless ako, 'di talaga ako makapaniwala na ma-nanalo ako.

"'Yung nalaman ko na nominated ako hindi ko na maintindihan 'yung feelings ko sa sob-rang kasiyahan, what more ngayon na nanalo ako. "

Tsika nga ni Sherwin nang tawagin ang kanyang pangalan na nagwagi ay agad siyang napatayo at napasigaw na lang sa katabi niya sa upuan na si Kuya Germs ng, "Kuya Germs ako 'yun. Tinawag pangalan ko!"

Kung hindi pa nga raw sinabi ni Kuya Germs na, "Oo nga, ikaw nga ang nanalo pumunta ka doon," saka lang daw ito nahimasmasan.

Hindi nga raw ito naghanda ng speech dahil hindi siya umaasang manalo kahit gusto talaga niyang magwagi.

Sana nga raw ay mapansin si-yang muli ng GMA-7 at big-yan ulit ng trabaho katulad ng dati kung saan ipinareha pa si-ya kay Angelika dela Cruz.

Hindi na nga siya umaasa pa na mabibig-yan ng bida role at kahit supporting lang ay okey na sa kanya basta may trabaho.

* * *

Malungkot na ibina-lita ng sexy/young star na si Cristine Reyes na ilang linggo siyang ma-mamahinga at hindi mu-na tatanggap ng trabaho dahil nakatakda siyang operahan sa June 5.

May problema raw sa ngipin ni Cristine kaya kailangang maoperahan ito agad at baka lumalala pa .

Isang linggo at 5 days ang magiging pahinga ni Cristine dahil ayon sa doktor nito ay mamamaga ang kanyang mukha kaya kailangan ng complete rest.

Tsika ni Cristine, kung kailan naman sunud-su-nod ang trabahong ibini-bigay sa kanya ng ABS-CBN ay saka naman siya maooperahan.

Dasal niya ay maging maganda ang resulta ng operasyon para maging mabilis ang kanyang paggaling at makabalik kaagad sa trabaho.

* * *

Lutang na lutang ang galing sa pag-arte ng young actor na si Arron Villaflor sa afternoon soap ng ABS-CBN na Boystown, kung saan kasama nito ang kagrupo nito na kung tawagin ay Gigger Boys at regular na napapanood sa ASAP every Sunday.

Happy daw si Arron dahil positibo ang feedback sa kanyang acting sa Boystown kaya naman daw mas pinagbubuti nito ang kanyang pag-arte para mas magustuhan ng kanyang mga tagahanga ang kanyang mga eksena.

Bonus points na lang daw sa kanya ang mapansin ang kanyang pag-arte,dahil halos lahat naman daw sila ay masaya sa magandang resulta sa rating ng kanilang show.

Mataas ang rating ng show kasi talaga namang pinaghihirapan nila ang bawat eksena dito.

* * *

Siguradong maaliw kayo sa pagtatapos ng araw mula Lunes hanggang Biyernes dahil ang kuwelang late night show na Jojo A All The Way! ay umere na sa TV5 kagabi.

Hosted by veteran host/comedian Jojo Alejar, pinaghalu-halong comedy, information, spoof at satire ang hatid ng pinakabagong late night show na ito ng TV5 kung saan tatalakayin ang everyday news and issues in a light and witty way.

Sa pilot episode nito, nagkaharap ang matinee idol na si Dingdong Dantes, na mag-all the way sa gisahan sa interview portion with the David Letterman of Philippine TV.

Simula pa lang ito ng gabi-gabing aliw na hatid ng Jojo A All The Way! na mapapanood 12 midnight sa TV5.

Source: Taliba