Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Erik Santos finished recording new song with international artist Jim Brickman

Erik Santos finished recording new song with international artist Jim Brickman

Author: Dominic Rea

Spearheaded by the Philippine National Red Cross and Star Records, three versatile artists Yeng Constantino, Toni Gonzaga and Erik Santos are extending their hands and voices as they take part in one compilation album to move it's listeners to help. Entitled, I Move, I Give, I Love, ang tatlong well-loved singers ay sadyang pinili ng Red Cross upang kantahin ang theme song nila para sa 150th year anniversary nito last June 24.

During the said launching ay nagkaroon ang ABS-CBN.com ng pagkakataong makausap ang binansagang The Prince of Pop Music na si Erik Santos. Tinanong namin si Erik Santos kung ano naman ang kanyang nararamdaman sa pagkakapili niya bilang isa sa mga singing ambassador ng Red Cross? "It feels great and ang gaan nung pakiramdam! I'd like to give my sincerest thanks to Red Cross and Star Records sa pagbibigay nila ng kanilang tiwala sa amin nina Toni at Yeng to do this album together. Masaya! Lalo na 'yung feeling na maging part ka lang ng Red Cross ay napakalaking bagay for me as individual. Kino-consider ko itong isang napakalaking responsibility especially that kilala kami ng tao. Ang laki nung obligasyon namin na sana sa pamamagitan ng album na ginawa naming ito, in our own little ways ay makapagbigay kami ng tulong sa ating kapwa na higit na nangangailangan. I am excited in other ways dahil sa mga naririnig ko palang sa ngayon ay ang daming projects na naming gagawin sa Red Cross. I mean, eto palang ang simula eh, hindi pa talaga ito para sa akin 'yung main event." pahayag pa sa amin ni Erik.

Kilala ang Red Cross Internationally sa taos-puso nitong pagbibigay tulong sa kapwa.Nandiyan ang blood-letting projects and donations at ang pagbibigay tulong pagkain na rin nila lately sa mga biktima ng natural calamities kung saan pumupunta talaga sila sa mga rehiyong apektado umulan man o umaraw. Willing din ba siyang gawin ito for the sake of giving and sharing? 'Oo naman. Tulad nung nasabi ko nga kanina na walang magiging problema sa akin as long as kaya ko, kaya naming gawin na hindi naman delikado para sa amin. Wala kaming limitasyon, walang problema. Hindi naman ako natatakot pumunta sa mga lugar. That's one of the best ways din for us bilang bahagi ng Red Cross na magpaabot ng aming tulong, like what we did dito sa album namin finally,"dagdag pa niya. Bulung-bulungang pina-waive diumano mismo ni Erik Santos ang kanyang supposedly ay napakalaking tatangaping talent fee para sa proyektong ito ng Red Cross at Star Records para patunayang sa puntong ito ay gusto talaga nitong makatulong. "Yes. Hindi ko lang alam kung ako lang ha, ang alam ko, ganoon din kina Yeng at Toni. Ang saya nga eh. ' Yung pakiramdam na makatulong ka or ginagawa mo ang isang trabaho for free, parang , bilang isang tao, fulfilling talaga. Magaan sa loob at hopefully from now on ay lalo pang la-laki ang Red Cross kasi ang ganda nung vision-mission talaga nila," ayon pa kay Erik.

Kinamusta rin namin ang kanyang ginawang recording sa Amerika para sa kanyang ilalabas ding album this coming month of July under Star Records with international singer Jim Brickman. "Ah, yeah, nakapag-record na kami, we're almost done na rin para sa album. It's more on the labeling na lang ngayon kung papano 'yung lay-out niya and everything. Promise, magaganda lahat ng selection of songs namin in the album and hopefully kapag okay na lahat, this coming month of July ay ila-launch na ng Star Records." Kinumpirma rin namin kung gaano ka-totoong habang nasa Amerika siya ay nakipagkita raw si Erik sa isang non-showbiz girl na nali-link sa kanya? " Hahaha! Hindi eh. Pero ang sabi niya darating daw siya sa album launching ko. Tignan natin. Wala pa talaga eh. Hindi ko kasi priority talaga ngayon ang love life ko, okay lang sa akin ang walang love life. Tapos nandiyan ang school ko, nandiyan din ang maraming projects at commitments, ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko. Hindi naman sa ayaw ko, it's just that, priorities first and responsibilities. Like having this Red Cross, I mean, it's not a joke," linaw pa nito.

Source: ABS-CBN Interactive