|
|
| Eugene Domingo says kissing Dingdong Dantes is a dream come true![]() Author: Julie Bonifacio Mabilis na nakunan ang kissing scene ni Eugene Domingo sa leading man niya na si Dingdong Dantes sa kanyang launching movie na Kimmydora. Hindi tuloy naramdaman ng husto ni Eugene ang paglapat ng mga labi nila ni Dingdong sa eksena. "Parang ang bilis nga, e. Di bale may take two naman 'yun at saka take three. Kasi may mga iba pang camera set ups. Mga seventy-five times. Hahaha!" lahad ni Eugene nu'ng mainterbyu namin siya right after makunan ang kissing scene nila ni Dingdong sa shooting sa Antipolo. Ano ang lasa ng labi ni Dingdong? "Wala, kasi ang inisiip ko 'yung blocking at saka 'yung ano, dialogue. Totoo 'yun." Ano ang feeling ng halik niya kay Dingdong? "At least natupad na ang pangarap ko. Hahaha! Hindi, itong buong pelikula ay pangarap ko. Hndi lang basta 'yung halikan." Malambot ba ang mga labi ni Dingdong? "Sobrang lambot," ngiti ni Eugene. "Pero wala ako'ng nalasahan kasi ang bilis." Naghanda ba siyang mabuti sa kissing scene nila ni Dingdong? "Oo, nag-prepare ako ng maayos. Nag-sipilyo ako, tapos nag-Astringosol, nag-Lysol, lahat na. Hindi ako nag-dinner. Chewing gum ako ng chewing gum. Ganu'n para lasang fresh hindi ako nakakahiya." Kumusta naman ang hininga ni Dingdong? "Fresh na fresh. Diyos ko! Lasang gatas. Parang hindi nagka-kape. Oo! Lasang Choco, milk-choco!" natatawang pag-describe nito. Hindi kaya siya pagselosan ng rumored girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera? Baka awayin siya ni Marian? " Hindi naman. Bakit naman siya magseselos? Hindi, kasi ano ko rin naman siya, parang anak-anakan ko rin 'yun. Anak-anakan talaga, o? Para walang mga selos. Hindi, basta 'yung masaya lang." Sino naman ang dream niya na kasunod ni Dingdong na makahalikan niya sa pelikula? "Si Marian naman. Hahaha! Tomboyan naman para talagang kakaiba," biro ni Eugene. "Ahh.... Kahit na sino'ng willing." Si Richard Gutierrez kaya? "Oo, tatanungin natin sa nanay nya. Hahaha! Kunyari parang si Zorro lang siya at ako 'yung kabayo parang ganu'n." Ayon naman sa producer ng Kimmy Dora at aktor na si Piolo Pascual wala raw siyang malisya kay Eugene if ever magkaroon sila ngn kissing scene. "Oo ako rin naman wala ako'ng malisya kay Piolo, e. Tama siya. Wala ako'ng malisya," nakangiting dagdag ni Eugene. And speaking of Piolo, puring-puri siya ng producer niya na deserving daw siya na bigyan ng launching movie dahil noon pa siya bilid sa komedyana. "Siyempre flatered naman ako dahil totoo naman na matagal na kaming magkakilala. 'Tsaka nararamdaman ko naman na 'yung kanyang appreciation, e. hindi nagbago form the time na magkasama kami sa Paano Kita Iibigin hanggang ngayon. 'Tsaka 'yung ang effort namin sa shooting kino-congratulate niya kami agad. 'Yun ang importante kasi nakakapagod, e," tapos ni Eugene. Source: ABS-CBN Interactive |