|
|
| Eugene, atat na atat na laplapin si Dingdong!![]() Author: Ruel Mendoza KINAKARIR ng komedyanteng si Eugene Domingo ang pagpapalinis ng ngipin at ng kanyang tiyan bilang paghahanda sa kanyang kissing scene with Dingdong Dantes sa launching movie niya na Kimmy Dora: Kambal Sa Kiyeme. Natatawa ngang kinukuwento ni Uge na suki na raw siya ng kanyang dentista dahil sa araw-araw nitong pagpapa-dental prophylaxis. “Naku, endorser na yata ako ng dentist ko! Wala raw kasi akong palya sa pagpapa-dental prophylaxis! Ha! Ha! Ha! Ha! “Kesehodang manipis na ang ngipin ko, basta ang sigurado ay wala akong mga tinga-tinga at mga tartar kapag kinunan na ang kissing namin ni Dingdong! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Eugene. Nakakahiya naman daw kung biglang makunan sa kamera na may tsismis siya sa pagitan ng mga ngipin niya. “Nakakahiya naman kay Dong. Si Dong, ang linis-linis ng mga ngipin. Mabango pa ang hininga, ang panget naman kung kokontrahin ko iyon. Kaya career ang pagpapalinis ng ngipin! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang dugtong pa ni Eugene na tila atat na atat na talagang laplapin si Dingdong. Umiiwas din si Uge sa pagkain ng mga hindi maganda ang dulot ng pakiramdam sa tiyan. Mahirap na raw at baka lumabas daw sa hininga niya ang hindi kaaya-ayang amoy. “Turn off 'yon para kay Dong. Baka malaman niya na kumain ako ng maasim kasi maaamoy niya sa hininga ko! Jusko ko huwag naman at baka maudlot pa ang halikan namin! “Kaya no muna ako sa mga pagkain na maaasim, malalansa at mapapait. Baka sa amoy pa lang ng hininga ko, eh biglang mag-iba ang hilatsa ng mukha ni Dong! Ha! Ha! Ha! Ha!” patuloy na tawa niya. Laking pasasalamat nga ni Uge kay Piolo Pascual dahil ito ang producer ng kanyang launching movie. Bilib nga raw si Uge kay Piolo dahil kahit na alam nilang busy ito sa ibang trabaho, nagagawa pa rin nitong dumaan sa kanilang shooting para alamin kung ano ang kailangan pa nila. “He makes sure na maayos kami, walang problema at masaya kaming nagwu-work. Kung ganyan ba lahat ng mga producer, at kasing-guwapo pa niya, eh magpelikula na lang tayo araw-araw! Kahit na walang shooting, makita ko lang si Piolo everyday, masaya na ako!” pagtatapos pa ni Eugene Domingo. Papasok na nga pala si Eugene sa series na Adik Sa'Yo ng GMA-7 bilang matagal na nawalang ina ni Jolina Magdangal. Source: Abante |