Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Eugene, 'di sinipot ni Dingdong

Author: Nitz Miralles
Column: Basta

Pinasalamatan ni Eugene Domingo ang press people na dumating sa press preview ng launching movie niyang Kimmy Dora.

Makakakain na raw siya dahil four months siyang nagpigil kumain para maganda siyang tingnan sa eksenang naka-swimsuit at sa eksenang sinibasib ng halik si Dingdong Dantes.

Hindi dumating si Dingdong, pero present ang mga producer ng Spring Films na sina Joyce Bernal, Erik Raymundo, Shayne Sarte at Piolo Pascual.

Ibinalita ni Piolo na PG-13 ang classification na ibinigay ng MTRCB sa movie at mapapanood sila simula sa September 2 sa 90 theaters nationwide kasama ang SM Malls.

Ang Solar Films ang magre-release ng pelikula.

* * *

Controversial ngayon si Direk Carlo J. Caparas, kaya siguradong aabangan ang feedback sa directorial comeback movie niyang Pangarap Kong Jackpot Trilogy.

Ginawa ni Direk Carlo at ng misis niyang si Donna Villa ang pelikula bilang suporta para sa muling pagsigla ng film industry.

Divided into three stories at ipinapakita ang hindi pagpapatalo ng mga karakter sa kahirapan. Bida sa Sa Ngalan ng Busabos si Manny Pacquiao na sabi ni Direk Carlo, nagpakita ng acting talent.

Tampok sa Hiwaga ni Lolo Hugo si Eddie Garcia at sina Jake Cuenca at Megan Young naman ang bida sa Hawak Kita, Hawak Mo 'Ko.

Kasama sa cast sina Gina Pareño, Tommy Abuel, Mark Herras, Baron Geisler, Pen Medina at Joel Torre at introducing ang mga anak nina Direk Carlo at Donna na sina CJ at Peach.

"We hope to do our part in bringing back the glorious days of Philippine cinema. We owe our success to Filipino moviegoers," pahayag ni Donna.

Pinuri naman ni Direk Carlo ang mga artista na pawang magagaling, pati si Manny. "Magugulat kayo 'pag napanood ninyo si Manny. Hindi lang siya boxing champ, isa rin siyang dramatic actor," wika ni Direk Carlo.

* * *

Rated A ang indie film na Manghuhula, na showing sa September 9, at tampok sina Eula Valdez, Emilio Garcia, Glaiza de Castro, Pinky Amador, Bella Flores, at Chanda Romero.

Produced ng AP 24. 07 with a grant from the National Commission for Culture and the Arts, pinagsanib sa pelikula ang artistic integrity at mass commercial appeal at in-assure ni Direk Paolo Herras na mag-i-enjoy ang moviegoers na mahilig sa suspense-horror.

Manghuhula ang role ni Eula, na in real life, hindi masyadong bilib sa hula, pero natutuwa 'pag nagkaka-totoo ang hinuhula sa kanya.

Proud itong mapasama sa cast ng pelikulang most popular sa 2008 Cinemanila International filmfest.

Ibinalita rin ni Eula na balik-stage play siya sa Tagalog adaptation ng A Street Car Named Desiree. Okey ang career niya, pero pagdating sa kanyang lovelife, "complicated, but happy" ang status niya. Friends na lang daw sila ng husband niya at smile ang isinagot nang kumustahin namin ang dini-date niyang male model na si Rocky Salumbides.

* * *

Isa sa pinaka-popular contestants sa Celebrity Duets 3 si Akihiro Sato dahil guwaping.

Ang alam namin, may sikat na movie and TV director na malaki ang crush sa kanya at siguradong susuportahan siya sa contest through text votes.

Hirap pang mag-Tagalog si Akihiro pero nangakong mag-aaral ng salita natin dahil mag-aartista na. Pumirma siya ng two-year contract sa GMA Network at ang CB3 ang first show niya. Magkakaroon siya ng cooking show at makakasama sa isang primetime show ng GMA-7.

Filipinized na si Akihiro na paborito ang adobo at favorite Tagalog word ang "mahal kita. "

Sa third week ng competition, Tagalog song ang kakantahin at namimili kung Binibini o Miss Universe ng Buhay Ko.

Sa first two tapings, kinanta niya ang The Girl from Ipanema with Julia Clarete at Bailamos with Mocha.

* * *

May tagline na "Tatak Puso, Para sa Puso" ang bagong TVC ni Cesar Montano ng Mega Sardines na dinirehe ng mag-asawang Mark at Lee Meily.

Bagay sa mga health conscious ang campaign ng ini-endorse na brand ng sardines ng actor.

Kare-renew lang ni Cesar ng kontrata sa Mega Sardines at tuwang-tuwa ang may-ari nitong si William Tiu Lim dahil patunay sa malaking tiwala ng actor sa kumpanya at kanilang produkto.

Gusto rin ng actor ang "Healthy Heart" campaign ng Mega Sardines at ipinagyabang na sariwa ang isda na ginagawang sardines.

Samantala, desidido na si Cesar na gawin ang bio-flick nina Ninoy Aquino at Francisco Dagohoy.

Ang kanyang CM Films ang magpo-prodyus ng two projects, si Marilou Diaz-Abaya ang director ng Ninoy at siya ang magdidirek ng Francisco Dagohoy, kung saan siya rin ang bida.

Sa Bohol ang location ng buong pelikula na pinanggalingan ng bayani.

Source: People's Tonight