|
|
| Eugene kakabugin si Ai Ai sa Kimmy DoraAuthor: Judith Pulido MATAGAL-TAGAL na ring alalay ni Ai Ai delas Alas si Eugene Domingo sa ilan nitong comedy films. At sa Kimmy Dora, first venture ni Piolo Pascual as movie producer at launching movie ni Eugene, tipong dapat nang mabahala si Ai Ai kung masosolo pa rin niya ang titulong Comedy Queen. Kasi naman, Eugene proved (once again) she has lots of talent. Last Thursday sa press premiere ng Kimmy Dora sa Shangrila Cineplex, umuwi ang entertainment press na nakangiti sa sobrang pagkaaliw kay Eugene. In fairness, hindi boring ang pelikula at hindi cinematic ang batuhan ng dialogue ng characters. Tama si Piolo nang sabihin nitong Eugene gave her all. Kasi naman talagang kung anu-anong pahirap sa katawan ang inabot ni Uge sa pelikula. Parte man 'yun ng pagiging komedyante niya, at least binigyan din siya ng dramatic scenes ni Direk Joyce Bernal. Sa mga eksenang nakaharap si Eugene as Kimmy and Dora ay malinis ang pagkakagawa, katunayan na pinag-ingatan ang technical aspect na ito. All out din ang support na ibinigay ng ilang Kapuso and Kapamilya stars. Siguro sobrang love nila sina Eugene, Piolo at Direk Joyce kaya game silang naging extra. Kung ang love interest ni Dora sa movie ay si Dingdong Dantes, siyempre hindi naman nagpahuli si Kimmy. Kaya ito ang dapat ninyong panoo-rin. Hindi man nakarating si Dingdong sa premiere ay sobrang nagpasalamat si Eugene sa lahat ng dumalong entertainment press. Sa interview bago magsimula ang pelikula, Eugene humbly says, "Inihahandog ko ang pelikulang ito kay Piolo. " At hindi rin naman nagkamali si Piolo for choosing Eugene, kasi she's worth it. * * * "NOT my story to tell. " Ito ang paulit-ulit na sagot ni Anne Curtis nang kulitin ng press sa launching bilang bagong endorser ng food supplement na FERNSlim, tungkol sa hiwalayang Luis Manzano and Angel Locsin. Ayaw nang magkomento ni Anne kasi hindi nga naman niya alam ang totoong kuwento ng break-up. Ang importante daw ay okey sila ni Luis. Tungkol naman kay Sam, matipid na komento ni Anne ay, "I'm not closing my door on him!" O ano pa ang hinihintay mo, Sam, baka mapagsaraduhan ka ulit! * * * MARAMI ang hindi nakakaalam na magkaibigan pala sina Senadora Loren at Ms. Imee Marcos. High school pa lang daw ay magkakilala at magkaibigan na ang dalawa. Kuwento ni Imee, madalas niyang makita si Sen. Loren sa Paoay, Ilocos Norte tuwing bakasyon kapag isinasama siya ng kanyang Yaya Fely na tubong-Sidig, Paoay. Pagmamalaki naman ni Loren, "I am Ilocana by heart. Kaya hindi naging mahirap nang magsanib-puwersa sila para mabuo ang Ligtas Likas, isang 30-minute animation tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga sa kalikasan. Ang Cream Productions ni Imee ang nagsulat ng script, naglagay ng music at gumawa ng animation ng Ligtas Likas, na ang producer ay si Sen. Loren. Matapos ang screening ng Ligtas Likas, na pinapanood sa mga estudyante ng Rosario, Guadalupe Viejo, Makati at Pasig Elem. Schools sa Shangrila Cineplex last Wednesday, ay pinirmahan nina Imee, Sen. Loren at kinatawan ng DepEd na si Asec Malaya ang isang Cooperation Agreement para maipamudmod ang CD nito sa mga pampublikong eskuwelahan sa buong bansa. Nang tanungin si Imee kung bakit animation ang unang proyekto nila ni Sen. Loren ng kanilang pro-environment advocacy, mabilis nitong sagot: "Mas madaling turuan ang mga bata. Kasi tayong mga matatanda marami na tayong bad habits na nakapipinsala talaga sa ating kalikasan. " Source: Taliba |