Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Eugene, mas maraming fans kay Piolo!

Eugene, mas maraming fans kay Piolo!

Author: Alfie Lorenzo

MINSAN pa ay napatunayang malapit na ngang bumaba sa hagdan ng kasikatan ang aking Papa Piolo. Nagprodyus siya ng sarili niyang pelikula, ang “Manila”, pero hindi kumita at walang nagkainteres panoorin siya.

Nagprodyus uli sila ni Sam Milby (na kunwari manager niya ang nakisosyo) ng isang movie na hindi siya kasama, ang “Kimmy Dora”. Pasalamat si Piolo at hindi siya pinayagan ng Star Cinema na lumabas kahit cameo role lang sa pinrodyus nila ni Sam na movie.

Aba, mas box-office star pala si Eugene Domingo kesa sa Papa ko. Kumita ang pelikula, meaning mas marami kayang fans si Uge kesa sa Papa ko? Maraming mga bata ang nagkakainteres na panoorin si Uge.

Ang apo kong si John-John, dalawang beses nagpunta sa sinehan bago siya nakapanood nu'ng second day. Standing room sa SM cinema sa Clark ang movie ni Eugene. Maski nu'ng manood si John-John, standing room pa rin daw, pero nag-enjoy siya sa movie. Sabi pa nga niya sa akin, panoorin ko rin daw! Ha! Ha! Ha! Ha!

Kumita pala ang papa ko sa movie ni Uge, ha! Mabuti na lang pala, si Dingdong Dantes ang kinuhang leading man ni Uge, kaya nakadoble-panalo ang papa ko! Ho! Ho! Ho! Ho!

Source: Abante